Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2021

KOMUNIKASYON SA GENERASYON NGAYON

  Kayl Richard MAGPANTAY      Bilang isang magaaral sa kolehiyo at sa panahon natin ngayon na pandemic at bawal lumabas ang lahat dahil sa panganib na dala ng virus sobrang laki ng impact ng Internet, social media at gadgets sa panahon ngayon dahil sa pamamagitan nito tayo nakakapagcommunicate sa bawat isa at dahil limitado lamang ang ating pagkikita sa bawat isa isa ito sa mga hakbang upang maipagpatuloy pa rin natin ang ating pagaaral, pagtatrabaho at pamumuhay sa araw-araw. Kahit na gaano man tayo kalayo sa bawat isa isang pindot lamang ay makakausap mona ang mga taong gusto mong kausapin at malaman ang mga impormasyon na dapat natin malaman upang tayo ay matuto sa ating pag-aaral, ang ating komunikasyon sa ating mga guro, pamilya, kaibigan ay lubos na importante para sa ating sarili at sa ating pagaaral. Sobrang laki na talaga ng pinagbago ng ating bansa lalo na ang komunikasyon natin kung ikukumpara natin noon sa ngayon, noon ay nakikipagusap lamang tayo sa pamamagitan ng sulat at

KOMUNIKASYON

  Kayl Richard MAGPANTAY Para sa akin ay sa pamamagitan ng Internet at social media at sa pamamagitan nito ay nakikita mo dito at nakakausap mo ang lahat ng mga tao at bagay na gusto mong malaman tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa ngayon, at ang social media din ang generasyon natin ngayon dahil halos lahat ng tao lalo na ang mga kabataan ngayon ay nahuhumaling sa sobrang paggamit ng social media pati na rin sa mga adults. Sa pamamagitan din ng social media naibabahagi at masasabi natin sa ngayon kung ano ang ating nararamdaman sa kasalukuyan pati na rin ang ating mga opinyon o gustong sabihin sa mga bagay bagay, malaki din naman ang tulong ng social media at Internet sa ating buhay kung gagamitin lamang ito sa tama at husto paraan huwag lamang abusuhin lalo na sa mga estudyante na nag-aaral upang makita ang mga kaalaman na kanilang hinahanap. Sa pamamagitan ng Internet at social media lalo na ang gaming sa ngayon ay sobrang laki ng impact o bahagi sa ating generasyon at dito naeen

Maling Pananaw sa Technical Vocational Education

  Kayl Richard MAGPANTAY Ang Technical Vocational Education ay unang ipinakilala sa pilipinas sa pamamagitan ng pagbabatas ng Commonwealth Act No. 3377, o “Vocational Act of 1927.” Noong Hunyo. 3, 1938, na sa ngayon ay patuloy pa rin na nakakatulong sa mga kabataan o kahit sa mga may edad na na makapag aral. Ngunit sa mga mata ng karamihan ang Tech Voc Education ay hindi masyadong pinagtutuunan pansin o importansya ng mga tao o mag aaral. Sa kadahilanan na Limitado ang kaalaman na kanilang matututunan, pang mahirap lamang ang kumukuha nito, aksaya lamang sa oras sa halip ay magtrabaho na lang. Ipapaliwanag natin ang mga paksa nito sa tulong ng pinagkuhanan namin ng ideya sa research nila na ni Ms. Sylvia Ambag. Faculty, College of Education sa PUP at Mr. Racidon Bernarte. Faculty, College of Communication sa PUP na ang pamagat ay Technical Vocational Education in the Eye of Professionals. Isa sa mga rason ng mga tao ay kaunti lamang ang kanilang makukuhang kaalaman sa tech voc na k

PAGSASALITA

  Kayl Richard MAGPANTAY      Ang aking napuna at napansin sa video na aking napanood ay patungkol sa Kung papaano at epektibong makapagfocus sa mga bagay at sa pagaaral kung saan Ito ay mahalaga at kailangan ko bilang isang estudyante, masasabi ko sa aking sarili na minsan ay nawawala o mahina ang aking konsentrasyon lalo na sa aking pagaaral ngunit minsan lang naman. Ang video na aking napanood ay ang mga paraan kung paano mapanumbalik o maisaayos ang ating focus sa isang bagay at lahat ng kanyang sinabi ay makatotohanan at doon sa sinasabi niyang stimulation ay kailangan natin bawasan lalo na ang oras na ating inilalaan sa paggamit ng mga gadgets o cellphone pagdating sa bahay man yan, trabaho, o paaralan dahil mas maakakafocus tayo sa isang bagay kung ang focus ng ating utak ay ating ilalaan sa isang bagay lamang kumbaga hindi natin hahayaan na tayo ay madistract o tuluyang mapigilan ng ating iniisip na ibang bagay sa ating utak kaya dapat tayo ay mating aware sa ating mga bagay ku

Ang Nakasanayang Wika patuloy sa aking pangarap

  Ang Nakasanayang Wika patuloy sa aking pangarap Kayl Richard Tai�o MAGPANTAY   Wikang filipino ang gamit nating wika Iba't-ibang bansa, kanya-kanyang wika Itaguyod natin ang wikang pambansa Dahil Ito ay higit pa sa malansang isda.   Ang bawat tao ay may sari-sariling opinyon At Ito ay nagagamit sa pakikipagkomunikasyon Magkakaiba man ito ngunit nagagawan ng aksiyon Sa huli kapag pinagsama-sama nagiging isang kontribusyon, Bakit mahalaga ang sariling wika? Ito'y kaluluwa ng mahal nating bansa.   Edukasyon ang Susi sa tagumpay na minimithi Pakikinig at pagbasa para maintindihan tuwina Ako'y   nangangarap at nagsisikap Para makatulong sa aking hinaharap Ang magulang ay ginto na iyong yakap Para makapagtapos kahit na mahirap Bakit ako nangangarap? Simple lang Dahil sa gusto Kong iahon ang aking pamilya sa hirap, At kasama ko ang Diyos na aking yakap Sa anumang problema na aking hinaharap.        

Ang bumuo ng aking diwa

Imahe
Janseth Ivan Luardo CAIREL Sa mundong kahangahanga niya'ng nilikha Tayo'y biniyayaan ng kalayaa't wika Upang magkaunawaa't mabuhay ng payapa Sa tungkuling maalagaan ang kanyang ginawa Ngunit sa mga henerasyong tuwina'y lumilipas Ang kasakimang mapangahas ay di na lumuwas Mga tao'y di na nakikinig nabulag na sa hiyas Inang kalikasa'y di na rinig ang pag-aaklas Sa mga aklat na aking nabasa ako'y napanilay Kung gaano ba kahalaga ang yaman sa buhay Higit pa ba sa kagandahang lood bago mahimlay Hindi pa pwedeng magmahal lang ng tunay Nag tanong ako para lubusan kong maunawaan Nakinig ako para lalo kung maintindihan Ang diwa na sa Dyos lamang may patutunguhan Hindi sapat ang kaalaman kung kulang ang dahilan

PAGSULAT

Imahe
  PAGSULAT Nathaniel Centeno                  Ang pagsulat ay ang pag lagay o paglalahad ng iyong damdamin, isipan atbp. Napakahalaga ng pagsulat sapagkat ito ay ang isa sa mga paraan upang maipahayag ng isang tao ang kanyang nasa isipan o damdamin. Maraming mga tao ang gumagamit ng pagsulat upang ihayag at ilagay sa kasaysayan ang kanilang mga gawa tulad na lamang ni Jose Rizal ang ating pambansang bayani nilabanan niya ang mga espanyol sa pamamagitan ng pagsulat at di lang yan ni lagda niya ang mga ito sa mga serye ng nobela upang ipahayag ang kanyang nararamdaman tungkol sa karahasan ng mga kastila.                Sa larangan ng “Automotive” ang pagsulat ay mahalaga rin dahil sa paraang ito ay nai ipreserba ang mga kaalaman para sa aming mga nag-aaral palang ng kursong ito. Sa mga libro o mga presentasyon na aming pinag-aralan ay pinasa pa mula sa mga may lagda na matagal ng wala at dahil dun ay nakakayanan pa rin namin gawin ang mga bagay-bagay na ito dahil na ipreserba a

Susi sa pakikipagkapwa

Susi sa pakikipagkapwa  Marc Erwin Baldoza  Komunikasyon virtual at di pasalita: maging sensitibo upang pagkakaisa ay matamasa. Bago mag salita dapat ay pakinggan bawat mensaheng kanilang binitawan. Ibayong konsentrasyon sa pag-unawa ang kailangan, upang bawat isa'y magkaron ng pagkakaintindihan. Aklat na may hiwagang dala sa'yong pagbasa ay magbibigay kaalaman sa pagunawa. Ito'y prosesong pagkuha ng ideya at ang pagunawa sa mensaheng dala. Para sa pangkalahatan, komunikasyon ang pagtuunan. ito'y susi sa kaayusan at sandata sa pagkakaunawaan. Komunikasyon, pakikinig at pagbasa, isang mabisang sangkap sa matiwasay na pakikisama, pundasyon sa pagkakaisa at pagbahagi ng ideya

How to get Your Brain Focus by Chris Bailey

How to get Your Brain Focus by Chris Bailey   Marc Erwin C. BALDOZA The speaker delivers his message more meaningful, his way of speaking caughts the attention of everyone and make them more interested about what his saying because he speaks with poise and confidence. Every word he release convince the listener and make them realize about something. His topic was posted 2 years ago but he still gives it a life by the way he explains it. Its not easy to caught everyones attention if you don't have the knowledge and technique to convince and I can say that he is very smart for the word he chooses to explain the topic.

Pagbasa

Imahe
  Nathaniel Centeno Pagbasa

Senseless (Walang Halaga)

'Senseless' (Walang Halaga) By: Juan Tamad Ang wika ay may napakalaking gampanin sa ating buhay sa kadahilanang ito ay ginagamit para maunawaan natin ang isa't isa. Isang napaka halagang pag aaral ang wikang Filipino sa kursong tinahak ko ngayon kasi mas mapapalawak nito ang aking pakikipag talastasan sa mga bagay bagay na hindi o mahirap intindihan. Ang kasaysayan ng ating wika ay dapat lang nating alamin para mas umunlad ang ating pakikipag talastasan sa kapwa natin pilipino. Ang pamimilosopiya ay isang napakalaking tulong hindi lang sa amin mga seminarista na nagbabalak na maging pari, kundi pati na rin sa atin mga ordinaryong mamayanan para tayo ay hindi padalos dalos sa ating mga ginagawa, at gagawin pa lang sa hinaharap kasi ating napag aralan ang ating mga ginawa. Ang mga bagay o mga lektyur na aking naaalala at tumatak magpasahangang nagayon ang lektyur pa tungkol sa pakikinig, pagbasa, pagsulat, at pagsasalita. Una ang pakikinig ay hindi lang sapat na at
Imahe
  NAKIKINIG BA O NARIRINIG LANG?

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

    Jan Gabriel Olmilla GUEVARRA “KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG”   Napakahalaga sa isang tao ang pakikinig sapagkat dahil dito ay pwede tayo makasagap ng impormasyon mula sa isang tao na kausap natin at pwede rin kahit na sa malayong lugar ang isang tao sa pamamagitan ng telepono. Na hanggang sa ngayong digital age na ay parang lalong naging importante ang kakayahan ng pakikinig. Kagaya na lamang na pwede itong maging libangan o makabawas ng stress. Sa pamamagitan ng musika na nanggagaling sa isang earphone nan aka konekta sa iyong cellphone. Gayundin ang pakikinig sa mga podcast na uso ngayon na hindi mo na kailangan manood na pwede maging advantage kung may iba kang ginagawa na pwede mo na iyong pakinggan sa mga iba't ibang social media platform katulad ng Spotify. Na sa pamamagitan ng pakikinig hindi mo madalas kailangan na Makita mo ang isang bagay upang makakuha ng impormasyon galing sa ibang tao o sa mga nakapaligid sa iyong mga bagay. Bilang isang teknikal na mag aaral napa

MABISANG PAGSASALITA

   Jan Gabriel Olmilla GUEVARRA “MABISANG PAGSASALITA”   Para sa akin ang pagsasalita ay isa sa mga katangian na pag na linang mo at naging magaling ka dito ay pwede mong malinlang at mapaniwala kaagad ang mga tao. Katulad na lamang ng mga pulitiko na sinasabi ang kanilang mga plataporma pag nasa stage sila na nagsasalita na kung ano mang mga pangako ang sinasabi nila ay para bang kapani paniwala pag magaling sila magsalita. Na punong puno sila ng confidence habang nagsasalita. Na ang ibang tao at giliw na giliw sa isang taong magaling magsalita. Kagaya na din pag nakakarinig ang mga pilipino na nag eenglish ay para bang nagagalingan at akala natin ay sobrang talino ng mga taong ito. Magagamit din ang magaling na pagsasalita bilang isang sining kagaya na lamang ng mga balagtasan o spoken poetry. Na dito ay naglalabas ng isang tao ang kanilang emosyon o damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita. Na madedetermina agad ng manonood kung sila ay malungkot, masaya, takot at iba pa.   Bi

NAITUTULONG NG PAGBASA

  Jan Gabriel Olmilla GUEVARRA “NAITUTULONG NG PAGBASA”   Sa pamamagitan ng pagbasa nakakakuha tayo ng iba't ibang impormasyon. Pwede nitong malinang ang iyong talino at mapatalas pa ang kaalaman ng isang tao. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga educational na libro na marami kang malalaman at matutuklasan na makakatulong na din para hindi ka mabagot. Na sa panahon ng teknolohiya ngayon ay pwede ka ng magbasa ng mga balita sa telepono na hindi mo na kakailanganin pang mbukili ng dyaryo sa kanto. Meron na rin mga ibang mga platform ang social media na nakalagay na ang mga sulat sa libro sa telepono. Ang pagbasa din ay pwedeng gamitin ng tao upang magbigay ng impormasyon sa ibang tao. Pwede din itong gamitin sa mga speech upang hindi malimutan ng isang tao ang kanilang sasabihin sa harap ng maraming tao. Halimbawa na lamang ay Sona ng pangulo o kaya ay mga hearing sa mga kaso. Bilang isang EMT na estudyante ang pagbasa pa sa amin ay mahalaga dahil dito natutulungan kaming kumuha

Critical Perspective in Communication - Transisyon ng Komunikasyon

Ian Carlo N. Dumayas Sa paglipas ng ilang daang siglo ay nagbabago ang paraan ng tao sa pakikipag-komunikasyon dulot na rin ng unti-unti nating pag-unlad tungo sa modernong mundo at pagsulong ng makabagong teknolohiya. Mula sa orality na siyang pinakauna at naging batayan na anyo ng wika noon ay dumaan tayo sa tatlo o higit pang kapanahunan ng komunikasyon. Noon ay pasalin-dila lamang ang pagbabahagi ng komunikasyon at sa pagdaan ng ilang taon ay mas naging progresibo ito nang pumasok ang panahon ng literacy. Sa ikalawang yugto na ito ay naitala na ang anumang impormasyon at ideya na ipinapasa sa isang henerasyon at sa sunod pang henerasyon sa pamamagitan ng panitikan. Naimbento sa panahong ito ang alpabeto, mga simbolo at iba pang representasyon na sumusuporta sa komunikasyong pasalita. Ayon kay Walter Ong, sa pag-unlad ng orality at literacy ay nabago nito ang pag-uugali at kamalayan ng tao.   Naging rebolusyonaryo ang kapanahunan ng komunikasyon nang pumasok ang panahon ng pagli

Wikang Filipino sa Kontemporaryong Panahon at sa Mundong pinag-ugnay ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon

Ian Carlo N. Dumayas   Wika ang nagbubuklod at nag-uugnay sa atin bilang isang nasyon. Ito rin ang nagbibigay ng pagkakilanlan sa isang partikular na bansa at ng mga mamamayan nito. Maging ang ating sibilisasyon ay binibigyang buhay rin ng wika. Kung ating pagtutuunan ng pansin ang wikang Filipino sa kasalukuyang panahon, hindi maitatanggi na marami sa mga Pilipino ang isinasantabi na lamang ang kahalagahan nito bagaman itinuring na pambansang wika. Marahil ay naging dahilan ang pag-usbong ng idustriyalisasyon, pagbukas ng pandaigdigang kalakalan at patuloy na pagbunsod ng modernong mundo na inudyukan ng makabagong teknolohiya. Ngunit paano nga ba mapapaunlad ang wikang Filipino na siyang wikang kasarinlan natin kung pumapangalawa na lamang ito sa ating bansa sapagkat Ingles ang ating inaaral bilang pangunahing wika? Karamihan sa mga kabataan ngayon ay mas bihasa sa paggamit ng Ingles kaysa sa wikang Filipino lalo na at Ingles ang pangunahing lenggwahe na ginagamit sa mga paarala
 Ian Carlo N. Dumayas      Filipino ang siyang tinuturing na Lingua Franca ng ating bansa. Noong 900 B.C., may mga wika sa kapuluaan na hindi nalalayo ang kahulugan at anyo sa isa't isa. Isa sa mga halimbawa nito ay ang balay, valay, bahay na parehong magkatugma sapagkat ang mga nasabing salita ay magkakamag-anak dahil iisa ang pinagmulan ng mga ito. Ang relasyon ng mga salitang ito ay tinatawag na 'cognate' sa wikang Ingles. Sinasabing ang pinag ugatan nito ay ang Laguna Copperplate Inscription na siyang pinakamatandang nakasulat na dokumento, na kung saan ay hango sa Kawi Script na may ilang salita na mula sa Malay, Sanskrit, Java at Tagalog. Sa kabilang banda, Baybayin naman ang matandang pamamaraan ng pagsulat na nagmula rin sa Kawi Script. Subalit, iba ang Baybayin sa Alibata, sapagkat ang nabanggit na huli ay nanggaling sa wikang Arabic. Sa pagdating naman ng mga Kastila sa bansa, mahahanap sa Vocabulario de Lengua Tagala, taong 1613 na akda ni Fray Pedro De San Buena

Mahalaga Ba?

Nathaniel B. Centeno BTVTe – Automotive 1st year Mahalaga Ba?  Makinig upang matupad  Ang pangarap na isulat,  Ang kaalaman na hangad  Ay iyong kapangyarihan  Kaisipang lumilipad  Kalinangang kailangan,  Kaalamang hinahangad  Sana ay ating makamtan  Kaalamang hindi batid  Sana’y hindi kalimutan,  Ang kasanayang sinahod  Ay dapat na pagyamanin 

MABISANG PAKIKINIG

Sinulat ni: Nikita Ynigo A. Marasigan Ang Mabisang pakikinig para sa akin na nasa kursong Automotive ay makakatulong sa akin para malaman ang mga suliranin ng bawat tao at kanilang hinaing tungkol sa mga sasakyan. Mas madaling gumawa ng iba’t ibang desisyon sa mga bagay bagay kung ikaw ay nasa mabisang pakikinig. Makakayanan din bigyan ng maayos na paraan ang mga problema kung mas malalim ang pag aanalisa sa mga bagay bagay kung malalim ang pakikinig. Kapag maayos ang pakikinig mo sa mga problema ng iyong pinapaayos na sasakyan, at sa hinaing ng mga nagpapaayos sa iyo, mas magiging matagumpay ang pagkukumpuni mo sa ipinapaayos sa iyo, at mas kagigiliwan ka ng taong umaasa sa iyo. Sa mga tagapakinig mahalagang matukoy ang dahilan kung bakit kailangan ang mabisang pakikinig. Mas mapapalakas ang kaalaman para maging handa ang sarili sa lahat ng bagay. Maayos ang magiging konsentrasyon mo sa mga bagay bagay kung ikaw ay laging handing making. Malaking tulong maging sa pagpapaanyaya ng mga

Katalusan

 Sinulat ni: Jonel Laude SITCHON JR. Katalusan   Ang pagbasa ay ang magsulat Ang pagsulat ay upang maunawaan Sa pag-aaral nito ay maunawaan Na itong isinusulat ay may kayamanan   Ang pakikinig ay pagbibigay pansin Pagbigay pansin sa mga tunog Upang maintindihan ang mensahe na di halata sa unang tingin Mensahe na galing sa tunog   Tunog, tunog, tunog Anong mensahe ito? Tunog, tunog, tunog Ano ang ibig sabihin nito?   Komunikasyon to ayon sa aking kaalaman Ang mensahe na may laman Laman na ikaw at ang iba lamang ang nakakaalam At ang mensahe na ito ay aking dinaramdam   Ang dinaramdam ay ang paalam Paalam na nakaguhit sa liham Basahin ang liham upang maunawaan Masaya ba ang ating pakikipagpalitan   Pakikipagpalitan at pagbabasa ng mga liham Pag Unawa ng ating mga nararamdam Pag uusap ng mga bagay bagay Ito ang komunikasyon ng buhay      
Imahe
  Gawa ni: Almonisid, Ivan M.

Aking Mungkahi

Imahe
Lagda: Haley French A. Mansalapuz Aking Mungkahi   Paano ba kaya ang buhay Kung wala kang kaalam-alam Upang mapahiwatig ang iyong mithiin Ngunit kung wala ka nito’y wala kang saysay Parang ika’y sinasamsam Puno nang pighati at suliranin   Tayo’y may angking kalayaan Ang abilidad upang palawigin at palawakan Munting ideya, opinyon, runong At pati na rin ang mungkahing sinusulong   Kung ating tutus-tuusin Obligasyon nating ihayag ang ating diwa Mapa-kapwa man o sa ating mga gawain Umaapaw man ang pasensya at nakakasawa Nariyan din ang balakid na bigay-awa Ika’y matitisod sa bawat hudyat Kinakaya pa rin nang pilit sapagkat Ang ihayag ang munting mungkahi Sa kahit ano mang landas Yaong pangarap, ang ambisyon Obsesyong laging binabagtas Nananatili, kahit anumang okasyon   Mararapat din naman na hindi puro sarili Pagkakataon rin ng ibang nawiwili Datapwa’t sila’y may sarili ring mungkahi Na nagdadala ng diwa’t dunong Pati karanasang siksik sa ligaya Sadyang sila rin ay marunong Ngunit ‘di ma
Joery Magtulis Paanong aking madarama ang tunog at musika? paanong aking masusulosyunan mga hinaing at problema? paanong maunawaan ang bawat letra? mga anunsyo at mga babala? itoy sa pamamagitan ng pakikinig, kung saan umuusbong ang pag ibig, at nagkakaroon ng halaga ang bawat pagbuka ng bibig. Pakikinig ang simula ng komunikasyon kahit noong unang panahon sa tunog sila umaayon bago gumawa ng aksyon. ito ang nagbibigay halaga sa pagbasa pagsulat at pagsasalita kung walang pakikinig sa tao walang komunikasyong mabubuo. dapat lamang na pahalagahan ang pakikinig sa lahat ng larangan dahil kung wala ito walang silbi ang ibang aspeto. kung ilalapat sa aming kurso ang pakikinig ng taos puso aming mauunawaan ng mainam sa paligid naming nandiyan. kursong pilosopo ang aming tinahak kung saan pagbasa at pakikinig ay talamak wala kang makukuhang impormasyon kung itoy di mo bibigyan ng atensyon at di makakabuo ng komunikasyon.

Pakikinig sa Impormasyon

Sinulat ni: John Ralph O. Jordico Masasabi na natin na ang pakikinig ay importante sa buhay natin simula at hanggang dulo, ito din ay mahalaga din sa kurso na tinatahak ko. Ang pakikinig ay nag bibigay kahulugan sa iyong naririnig at ang pakikinig ay isang susi para sa mabisang komunikasyon. Ito’y dapat itatak sa ating isipan na kinakailangan ang pakikinig dahil ito ay nagbibigay kahalagan sa iyong pag-aaral. Minsan kahit na nakuha na ang impormasyon na binahagi ng tagapagsalita gusto nating ulitin para mabigayan tayo ng malinaw na pagintindi. Sa kurso na napili ko sa papaano ko nga ba magagamit ito sa isang work situation. Ang unang sitwasyon na mabisang maigagamit ito ay sa workplace communication, kinakilangan na lahat ng trabahador na makinig para makuha ang mga mahahalagang impormasyon. Dahil ito ay isang gabay para sa iyong trinatrabaho at mayron pagkakataon na may tanong na makakatulong sa inyong diskusyon para mabigyan linaw o feedback. Ang sumunod na sitwasyon naman ay sa kl
Sinulat ni: Janseth Ivan Luardo CAIREL Sa akin pakikinig ako ay na hasa na manatiling positibo sa mundong kahangahanga. Dahil sa pakikinig kagustuhay na nanaig, na siyang bumubulong ng mabuting pahiwatig. Dahil sa pakikinig tayo ay natututo, at sa ating pagka- tuto tayo ay nakakabuo ng idolohiya ng tama sa mali. Bilang isang tungkulin natin sa mundo, dapat matuto tayong makinig sa mga bagay na maka bubuti sa atin. Dahil ang pakikinig ay parang espada na may dalawang patalim, maaari kang matuto ng kabutihan oh kasamaan. Bilang isang seminarista sa sambayanang pilipino ang pakikinig para sa bukasyong napili namin ang isang bagay na hindi dapat binabalewala. Dahil sa pakikinig katulad ng mga homiliya ni "father" tuwing misa nabibigyan kami ng inspirasyon para mag patuloy sa bukasyong napili namin at magampanan ang mga tungkulin namin sa sasangkatauhan Sa Internal na pakikinig maikokonekta ko ang aking kursong na pili dahil ang pilosopiya ay isang kurso na dapat malalim ang iyong
Sinulat ni:  Jhon Kenneth M. MAPALO Isang napaka halagang pag aaral ang wikang Filipino sa kursong tinahak ko ngayon kasi mas mapapalawak nito ang aking pakikipag kapwa tao/pakikipag talakayan sa iyong ideya/opinyon sa mga bagay bagay lalo na't AB Philosophy (Pamimilosopiya) ang aking na piling kurso sa kolehiyo, at tayo ay tuturoan pa na mas magiging teknikal sa pag gamit ng ating sariling wika, at gamitin ito sa matalinong paraan halimbawa sa mga "spellings" atbp. Marapat lang din na bigyang atensyon talaga ang pag-aaral ng wikang Filipino. Dahil ang wikang ito ay ang pinaka naiintindihan ng lahat ng pilipino sa ating bansa at mas maipapaliwanag natin ang ating mga gustong iparating sa kapwa nating pilipino. Isang pang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino sa kursong aking tinatahak ay ang wika mismo dahil mas maipaparating ko sa aking kapwa ang gusto kung malaman nila tungkol sa aking kursong tinatahak dahil pag wikang ingles ang aking ginamit, kalimitang konti l
Sinulat ni:  Jhon Kenneth M. MAPALO Ang pamimilosopiya ay isang napakalaking tulong hindi lang sa mga seminarista na nagbabalak na maging pari, kundi pati na rin sa atin mga ordinaryong mamayanan para tayo ay hindi padalos dalos sa ating mga ginagawa, at gagawin pa lang hinaharap kasi ating napag aralan ang ating mga ginawa.Pakikinig na diskriminatori, ito ang masasabing kong mayroong koneksyon sa aking cursong na pili, sa kadahilanang ang pamimilosopiya ay tinuturoan tayong mas maging critikal sa pag bibigay ng ating mga kuro kuro sa mga bagay bagay sa ating paligid. Ang pakikinig na diskriminatori din ay tinuturoan tayong maging mapanuri sa ating pagpapahagay ng ating nasa saloobin nating sa mga sitwasyon sa na nangyari, nangyayri para mas mapabuti ating mga pahayag sa mangyayari. Mayroon din tayong mga aral na makukuha sa pahayag ni Binibing Ongkiko sa kanyang pagpapahagay sa isang konbensyon at ito ay konektado paring sa pakikinig na diskriminatori. Dito kanyang inihayag na dapat n
Sinulat ni:  Jhon Kenneth M. MAPALO Ang sagabal ay isang balakid sa mga bagay bagay na kailangan nating gawin, maaring may mga sagabal sa ating pang araw araw na desisiyon sa buhay. Mayroon ding mga sagabal sa ating komunikasyon o pakikipag talastasan sa ating kapwa, para malaman ang ideya ng isang tao. Unang sagabal sa komunikasyon na aking nararanasan ay ang semantikong sagabal na tumutukoy sa isang salita na may dalawa o higit pang kahulugan, isang halimbawa dito ay ang mga salitang puno, maaring tinutukoy nito ay punong kahoy, at maari ring basong puno. Isa pang halimbawa ay ang salitang supot, maaring tumutukoy sa masilang parte ng katawan ng lalaki o ito ay pwede mo ding lagyan ng ulam mula sa birthday party ng kapitbahay niyo. At pang huli ang salitang baga, maaring tumutukoy sa parte ng kawatan ng tao o kaya sa baga ng apoy, yan iilan lang sa mga halimbawa ng semantikong sagabal. Ang pangngalawang sagabal sa komunikasyon ay pisikal na sagabal, ito na man ay tumutukoy sa mga ing
Sinulat ni:  Jhon Kenneth M. MAPALO Ang salita ay isang napaka epektibong pamamaraan para makipag ugnayan sa isa't isa at malaman ang ideya ng isang tao o grupo. Ang kasaysayan ng ating wika ay dapat lang nating alamin para mas umunlad ang ating pakikipag talastasan sa kapwa natin pilipino. Nagmula sa "Taga-ilog," na literal na nangangahulugang "mula sa ilog," ang Tagalog ay isang wikang Austronesian na kabilang sa pamilyang Malayo-Polynesian, na may mga impluwensyang labas mula sa Malay at Chinese, at kalaunan ay mula sa kapwa Espanyol at Amerikanong Ingles sa apat na siglo ng panuntunang kolonyal. Ang impluwensyang ito ay nakikita sa mga salitang Tagalog at ang kanilang baybay. Ang Tagalog ay mayroong sariling sistema ng pagsulat batay sa isang sinaunang iskrip na tinawag na Baybayin na gumagamit ng isang syllabic alpabeto, na binigyan ng mga kolonyalistang Espanyol. Kahit na ang modernong alpabeto ay binago nang maraming beses upang isama ang mga banyagang tu

Pakikinig

Imahe
Sulat ni: Almonisid, Ivan M Ang paksang pakikinig ay may malaking kaugnayan sa kurso Automotive dahil ito ang nakakatulong saamin upang tukuyin ang sira ng sasakyan.  Lahat ng nabanggit ay makakatulong para maibigay namin ang nararapat na pangangailangan ng sasakyan. Makakatulong din ito upang masigurado ang kaligtasan ng driver. Sa pakikining sa mga problema mula sa driver ay malalaman namin kung ano ang dapat gawin upang maging komportable at ligtas sa pagmamaneho ang driver. Mabibigyan din namin ang driver ng manga paalala upang maging ligtas at maayos ang sasakyan. Magandang halimbawa ay ang pagaaral ng troubleshooting kailangan naming pakinggan ang mga reclamo ng customer tungkol sa kanyang sasakyan upang malaman kun ano ang dapag gawin. Mula naman sa isang article  https://www.autodealertodaymagazine.com/309603/active-listening-is-essential-to-mastering-co mmunication-skills   Mahalagang maunawaan mo ang mga pangangailangan ng customer na malaman kung ano talaga ang hinahanap ng

Ang kahalagahan ng Pakikinig

Imahe
Sulat ni: Haley French A. Mansalapuz (1st Yr. BSIT) Talagang sadya ang kahalagahan ng pakikinig sa buhay, mas lalo na rin sa kurso kong tinatahak. Ito ay kinakailangan ng matindi at taos pusong pagpupursige, dahil isa itong kasanayan na hindi mo maaaring matutunan sa isang kislap. May kaukulang pangangailangan din ang pakikinig tuwing pinag-aaralan ang mga konsepto ng kurso dahil may sadyang kompleksidad ito mas lalo na sa mga bago-baguhan. Kaya, upang lubusang maunawaan kaagad agad at nang maayos ang mga pinag-aaralan, mas mahalaga rin ang makinig sa mga kuro-kuro at talakayan mapa- asynchronous man o synchronous ang metolohiya ng pag-aaral.  Maliban rito, mas mahalaga rin ang pag-sasanay sa sarili sa pakikinig sa karera mo at may trabaho ka nang may kinalaman sa kurso mo. Ang puno’t dulo nito ay may maganda: maari kang may matutunan sa mga kamalian mo sa pamamagitan ng pagpupuna ng mga tao sa naimalas mong kakayahan sa trabaho (aktibong pakikinig). Mahalaga rin ito base sa sipin

Technology and its role in Language

Imahe
Sulatin ni:  Jonel Laude SITCHON JR.   Technology and its role in Language Technology has always been a means for humanity to solve their problems. Its nature is the application of scientific knowledge for practical purposes. Technology’s role in Language is that it serves as a tool to project Language, tools such as Blackboards, Projectors, and  Computers.   Roles of Computers in Language They can serve as Tutors. It can individualize instruction, provide learning materials at a controlled pace, and record student progress. Furthermore Computers can also serve as Tools. It can aid in reading, allow students to produce and format texts easily, facilitate revision of text, and check for spelling errors. It can store data in a compact and easily accessible form. Finally Computers can also serve as new modes of communication because of the development of new technologies. How the digital era has changed the lives of Pinoys Written by CNN Philippines Life Staff Updated Mar 2