MABISANG PAGSASALITA

  Jan Gabriel Olmilla GUEVARRA

“MABISANG PAGSASALITA”

 

Para sa akin ang pagsasalita ay isa sa mga katangian na pag na linang mo at naging magaling ka dito ay pwede mong malinlang at mapaniwala kaagad ang mga tao. Katulad na lamang ng mga pulitiko na sinasabi ang kanilang mga plataporma pag nasa stage sila na nagsasalita na kung ano mang mga pangako ang sinasabi nila ay para bang kapani paniwala pag magaling sila magsalita. Na punong puno sila ng confidence habang nagsasalita. Na ang ibang tao at giliw na giliw sa isang taong magaling magsalita. Kagaya na din pag nakakarinig ang mga pilipino na nag eenglish ay para bang nagagalingan at akala natin ay sobrang talino ng mga taong ito. Magagamit din ang magaling na pagsasalita bilang isang sining kagaya na lamang ng mga balagtasan o spoken poetry. Na dito ay naglalabas ng isang tao ang kanilang emosyon o damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita. Na madedetermina agad ng manonood kung sila ay malungkot, masaya, takot at iba pa.

 

Bilang EMT student ginagamit namin ang pagsasalita upang mailbas namin ang aming mga opinyon o mungkahi sa aming mga guro. Nagagamit din namin ito upang maituro namin ng maayos sa aming mga kaklase ang mga procedure o kailangan dapat gawin upang maging maayos ang aming mga teknikal na gawain sa laboratoryo. Na sa pamamagitan ng mabisang pagsasalita ay lubos nilang maintindihan ang aming mga sinasabi. Ganun din kapag ang guro namin ay madalas nagsasalita upang ma explain ang aming gagawin dahil mas lubos namin itong maiintindihan. Hindi kagaya ng iba na basta bigay ng mga gawain sa estudyante na hindi man lang nag explain lalo na ang aking kurso ay maraming mga teknikal na gawain.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON