Maling Pananaw sa Technical Vocational Education
Kayl Richard MAGPANTAY
Ang
Technical Vocational Education ay unang ipinakilala sa pilipinas sa pamamagitan
ng pagbabatas ng Commonwealth Act No. 3377, o “Vocational Act of 1927.” Noong
Hunyo. 3, 1938, na sa ngayon ay patuloy pa rin na nakakatulong sa mga kabataan
o kahit sa mga may edad na na makapag aral. Ngunit sa mga mata ng karamihan ang
Tech Voc Education ay hindi masyadong pinagtutuunan pansin o importansya ng mga
tao o mag aaral. Sa kadahilanan na Limitado ang kaalaman na kanilang
matututunan, pang mahirap lamang ang kumukuha nito, aksaya lamang sa oras sa
halip ay magtrabaho na lang. Ipapaliwanag natin ang mga paksa nito sa tulong ng
pinagkuhanan namin ng ideya sa research nila na ni Ms. Sylvia Ambag. Faculty,
College of Education sa PUP at Mr. Racidon Bernarte. Faculty, College of
Communication sa PUP na ang pamagat ay Technical Vocational Education in the
Eye of Professionals.
Isa
sa mga rason ng mga tao ay kaunti lamang ang kanilang makukuhang kaalaman sa
tech voc na kung susumahin natin ay napakaraming mga kurso na nakapaloob dito
tungkol sa Electronics, agrikultura, Economics at marami pang iba. Na ang iba
ay indemand pa sa kasalukuyan. Society has a misconception that TechVoc
education is meant for the dropouts, unintelligent and under-achievers. (Amoor,
2009). Itong kataga na ito ay nakatanim na sa isip ng halos sa karamihan ng
kabataan. Na hindi muna nila nasusubukan ay pinaniniwalaan na nila kaagad ang
sabi sabi ng mga karamihang tao. Na ayon din sa konklusyon ng ginawang research
nila Ms. Ambag at Mr. Bernarte na nakapag aral sa tech voc ay na improve pa
nila ang kanilang skills sa kanilang respective na kurso at nadagdagan pa ang
kanilang mga kaalaman. Gayundin ang mga degree holder na nag tec voc ay ganun
din ang kanilang nakita na natuto sila ng ibang specialization at lalong
nadagdagan ang kanilang kaalaman na makakatulong sa kanilang trabaho o sa
buhay.
Marami
sa atin na mga pilipino na masyadong maseselan sa mga bagay na kahit
makakatulong sa atin ay ipinagbabawalang halaga natin dahil tinitignan natin o
binibigyang importansya natin ang sinasabi ng ibang mga tao. Isa sa mga bagay
na ito ay ang Tech voc education na karamihan ng nakapagtapos na ng high school
na kung walang pang aral ng kolehiyo ay nagtatrabaho na lang at meron din sa
kanila ang unang perception sa Tech voc ay hard labor katulad ng welding,
carpentry o iba pang mga trabaho na minamata ng mga karamihan. Dahil dito wala
sa kanila na maging option ang tech voc na higit na makakatulong sa kanila
upang makahanap ng disenteng trabaho. Na sa kasalukuyan ay in demand ngayon ang
mga skill workers locally at lalo na sa international. At karamihan sa mga
kabataan hanggang sa pagtanda nila ay kuntento na sila sa kanilang knowledge o
skills na parang ayaw na nila mag improve bilang isang tao o manggagawa. Na
hindi nila na iisip na libre lamang o meron na maliit na expenses lamang ang
kanilang ilalabas upang makapag aral sa tech voc na kung susumahin ay pwede mo
itong magamit upang ma promote ka sa iyong trabaho. Na hindi ka lang aasa kung
anong meron knowledge ang meron ka kundi pwede mo itong ma improve at
maipamahagi sa ibang tao sa kakilala mo.
Nasanay
ang karamihan sa atin na makuntento na lang sa buhay o gawain na meron tayo.
Pero kung iispin natin kung magkaroon ng mga sitwasyon na hindi inaasahan
katulad na lamang ng covid 19 na halos lahat ng trabaho at business ay
naapektuhan dahil dito. Na karamihan sa atin ay nahihirapan dahil yung
nagiisang alam at trabaho natin ay nawala. Na sa pagkakataon na ito dapat ay
may mga option tayo o ibang pagkakakitaan upang mabuhay ulit. Dito papasok ang
tech voc dahil may mga kurso dito tulad ng baking o cooking at marami pang
iba na maari nating matutunan ng libre
na makakatulong sa atin upang makakuha ng extrang pagkakakitaan. Na sa
kasalukuyan ay may mga taong office work na nawalan ng trabaho dahil sa
pandemic na mas mapabuti pa dahil nakapag patayo sila ng sariling business nila
like restaurant or pastry na mas malaki ang kinikita kaysa sa dati niyang
trabaho. Na mas maganda pa nga dahil sila ang owner noon na hawak nila ang
kanilang oras. Dito sa mga sitwasyon na ito maiisip ang halaga ng tech voc sa
isang tao na gusto maging matagumpay sa buhay.
At
ito ang mga misconception ng karamihan ng mga tao sa Technical vocational
Education. Limitado ang kaalaman na kanilang matututunan, pang mahirap lamang
ang kumukuha nito, aksaya lamang sa oras sa halip ay magtrabaho na lang. Ang
mga bagay na ito ay dapat alisin sa isip ng mga tao lalong lalo na sa sa mga
kabataan dahil isa ito upang maging successful ang isang indibidwal sa kanilang
napiling field. At ang tech voc education din ang makakatulong upang maiangat
ang ating ekonomiya at makatulong upang maiangat ang pilipinas sa mundo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento