PAGSULAT
Nathaniel Centeno
Ang pagsulat ay ang pag lagay o paglalahad ng iyong damdamin, isipan atbp. Napakahalaga ng pagsulat sapagkat ito ay ang isa sa mga paraan upang maipahayag ng isang tao ang kanyang nasa isipan o damdamin. Maraming mga tao ang gumagamit ng pagsulat upang ihayag at ilagay sa kasaysayan ang kanilang mga gawa tulad na lamang ni Jose Rizal ang ating pambansang bayani nilabanan niya ang mga espanyol sa pamamagitan ng pagsulat at di lang yan ni lagda niya ang mga ito sa mga serye ng nobela upang ipahayag ang kanyang nararamdaman tungkol sa karahasan ng mga kastila.
Sa
larangan ng “Automotive” ang pagsulat ay mahalaga rin dahil sa paraang ito ay
nai ipreserba ang mga kaalaman para sa aming mga nag-aaral palang ng kursong
ito. Sa mga libro o mga presentasyon na aming pinag-aralan ay pinasa pa mula sa
mga may lagda na matagal ng wala at dahil dun ay nakakayanan pa rin namin gawin
ang mga bagay-bagay na ito dahil na ipreserba ang kanilang mga ulat. Mahalaga
din ang pagsulat sa pag-alala ng mga instruksiyon at mga parte ng isang
sasakyan na aming susuriin.
Sa
pangkalahatan ang pagsulat ay isang paraan ng paglalahad ng iyong damdamin,
dahil ang pagsulat ay libre kang ihayag lahat ng gusto mong sabihin mapa
piksyon, siyensya, atbp. Ang pagsulat din ay isang paraan upang magkalat ng
kaalaman sa iba’t ibang panig ng mundo na ginagawang posible ng pagsulat. At
ang pinaka importante sa lahat ito ay isa sa mga paraan upang ma ipreserba ang
mga kaalamang sinulat ng mga taong hindi na natin kasama at dahil dito
matutunan parin natin ang kanilang mga gustong iparating na mensahe.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento