Pagbasa

 

Nathaniel Centeno

Pagbasa


 

            Ang pagbasa ay isang karunungan na dapat ay ating makamtan habang bata pa. Napaka halaga dahil ang pagbasa ay nagbibigay linaw sa isang tao tulad na lamang ng isang libro mahirap intindihin ang nilalaman ng isang libro kung hindi ka maalam magbasa.Hindi lamang sa pagbabasa ng libro natatapos ang kahalagahan ng pagbasa tulad nga ng aking nasabi kanina ay nagbibigay linaw ang pagbabasa lalo’t kung ikaw ay isang trabahador sa isang lugar na puno ng panganib tulad ng mga pabrika na maraming mga signs na nagsasabi ng mga nakaambang panganib na maaaring magligtas ng iyong buhay.

 

            Sa larangan ng “Automotive” ay napakahalaga rin ng pagbasa dahil teknikal ang kursong ito at napakaraming bagay na dapat ay mabigyan ng kalinawan. Isang kahalagahan ng pagbasa sa “Automotive” ay karamihan ng instruksyon at manual ay babasahin at napaka importante ng mga ito dahil sa “Automotive” maraming bagay pwedeng magkamali kapag may namintis ka kahit isang proseso lamang. Marami ring mga bagay at mga terminolohiya na kailangan ng mataas na antas ng pagsusuri na nangangailangan ng masusing pagbasa upang maunawaan ang ibig sabihin nito tulad ng mga terminolohiyang brake at break, disc at disk ay magkaiba ang kanilang mga ibig sabihin at dapat ay busisiin ng maayos upang hindi magkamali.

 

            Sa pangkalahatan ang pagbasa ay ang kasanayan o karunungan na nagbibigay linaw at kahulugan sa mga sulatin na ating nababasa. Sa ngayon napakaraming hindi marunong magbasa at ito ay nakakalungkot isipin na ang isang simpleng karunungan ay hindi nila nakamtan. Napakahalaga ng pagbasa lalo’t na ang mundo natin ay mas lalong umuunlad at hindi mahihirapan lalo ang mga walang kakayahang magbasa na makipagsabayan sa takbo ng mundong hindi tumitigil.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON