PAGSASALITA

 Kayl Richard MAGPANTAY

    Ang aking napuna at napansin sa video na aking napanood ay patungkol sa Kung papaano at epektibong makapagfocus sa mga bagay at sa pagaaral kung saan Ito ay mahalaga at kailangan ko bilang isang estudyante, masasabi ko sa aking sarili na minsan ay nawawala o mahina ang aking konsentrasyon lalo na sa aking pagaaral ngunit minsan lang naman. Ang video na aking napanood ay ang mga paraan kung paano mapanumbalik o maisaayos ang ating focus sa isang bagay at lahat ng kanyang sinabi ay makatotohanan at doon sa sinasabi niyang stimulation ay kailangan natin bawasan lalo na ang oras na ating inilalaan sa paggamit ng mga gadgets o cellphone pagdating sa bahay man yan, trabaho, o paaralan dahil mas maakakafocus tayo sa isang bagay kung ang focus ng ating utak ay ating ilalaan sa isang bagay lamang kumbaga hindi natin hahayaan na tayo ay madistract o tuluyang mapigilan ng ating iniisip na ibang bagay sa ating utak kaya dapat tayo ay mating aware sa ating mga bagay kung saan tayo nagfofocus at kailangan ay ito ay sobrang mahalaga at hindi masasayang ang iyong oras rito at ang distractions ay nasa ating mga kapaligiran lamang kung kaya’t huwag tayong magpapalamon o magpapadaig dito sabi nga nila kung gusto mong yumaman at gumanda ang iyong buhay ay kinakailangan mo ng matinding focus at kailangan mo itong aralin ng paulit-ulit hanggang sa nakuha mo ang focus sa iyong sarili dahil ito ay mahalaga bilang isang individwal para mas mapadali at magawa natin ang ating mga gawain o trabaho at huwag na huwag tayong magpapadaig sa mga distractions sa ating mga kapaligiran.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON