KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

   Jan Gabriel Olmilla GUEVARRA

“KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG”

 

Napakahalaga sa isang tao ang pakikinig sapagkat dahil dito ay pwede tayo makasagap ng impormasyon mula sa isang tao na kausap natin at pwede rin kahit na sa malayong lugar ang isang tao sa pamamagitan ng telepono. Na hanggang sa ngayong digital age na ay parang lalong naging importante ang kakayahan ng pakikinig. Kagaya na lamang na pwede itong maging libangan o makabawas ng stress. Sa pamamagitan ng musika na nanggagaling sa isang earphone nan aka konekta sa iyong cellphone. Gayundin ang pakikinig sa mga podcast na uso ngayon na hindi mo na kailangan manood na pwede maging advantage kung may iba kang ginagawa na pwede mo na iyong pakinggan sa mga iba't ibang social media platform katulad ng Spotify. Na sa pamamagitan ng pakikinig hindi mo madalas kailangan na Makita mo ang isang bagay upang makakuha ng impormasyon galing sa ibang tao o sa mga nakapaligid sa iyong mga bagay.

Bilang isang teknikal na mag aaral napakahalaga ng Pakikinig. Lalo na ang aming kurso ay teknikal na kailangan agad naming maintindihan ang instruksyon ng aming mga guro upang magawa ang aming mga Gawain. Na sa aming course ay dapat hindi lang kami nakikinig dapat rin ay iniintindi naming at sinasaulo ang mga dapat gawin. Dahil kung hindi ay pwede itong magdulot ng aksidente dahil nahawak o nakontrol kami ng kuryente sa aming laboratoryo na pwedeng makaapekto samin at sa iba pang mga tao. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON