NAKIKINIG BA O
NARIRINIG LANG?

By Nathaniel Centeno

INTRODUSKSYON

            Maraming mga tao ang ginagarantisiya lang ang pakikinig pero sa realidad ay napaka hirap nitong i master lalo na kung kulang ang pag-aaral na iyong naabot. Dalawa ang klase ng pakikinig ayon sa aking mga gurong nakakasalamuha lalo na sa kolehiyo lagi sa aming ipinapaalala na iba ang ang nakikinig sa naririnig lamang. Sa aking kursong tinatahak ay napaka importante ng pakikinig lalo na at teknikal ang karamihan ng aming ginagawa at pag hindi kami nakinig maaring kami ay maaksidente o mali ang aming magawa. Sa sulating ito ay mababasa natin kung bakit mahalaga ang pakikinig sa “Automotive”.

 

KATAWAN

 

            Sa larangan ng “Autotmotive” napaka halaga ng pakikinig lalo na at teknikal ang kursong ito. Sa isang sasakyan ay napakaraming bahagi at mga pangunahing bahagi ay ang makina, suspensyon, at ibp. Mahalaga ang pakikinig sa mga bawat instruksyon sa pag-aaral ng “Automotive”  sa kadahilanang baka ikaw ay maaksidente kapag mali ang iyong pagkaka-intindi ng mga nakasaad na instruksiyon. Sa bawat parte ng isang sasakyan ay napakaraming dapat ay iyong intindihin at kabisaduhin kaya’t dapat makinig ng mabuti upang hindi ka paulit-ulit sa iyong mga ginagawa. Sa pangkalahatan ang pakikinig ay di lamang importante sa larangan ng “Automotive” bagama’t ito ay importante din sa ating araw-araw na pamumuhay sa pag-gising mo sa umaga, sa pagnood mo ng balita, sa iyong klase at hanggang saiyong pagtulog dapat ay lagi kang nakikinig at hindi lamang naririnig dahil balang araw ang iyong pakikinig ay magbubunga ng maganda.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON