Wikang Filipino sa Globalisasyon
Sinulati ni: CORPUZ, John Patrick Alcones
Sa panahon ngayon meron parin bang halaga ang wikang Filipino sa larangan ng globalisasyon na nais pag isahin ang iba’t ibang aspeto ng buhay sa buong mundo tungo sa isang bilihan, sa isang pamantayan, sa isang wika. May malakas na sigaw tayong naririnig na kinakailangang paunlarin ang ating kaalaman sa wikang Ingles dahil kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto. Itinuturing na malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa ng mga tao ngayun at isa na ako doon kaya bilang isang mag aaral napaka halaga na matutunan din namin ng wikang inglis dahil sa panahon ngayon ay napaka halaga na matutunan ito dahil isa ito sa makakatulong upang mas lalo mong maintindihan ang mga bagay na nais naming at natutunan sa pamamagitn ng wikang ingles samakatuwid, ang wika ng globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala naang kaalaman sa wikang Ingles ng ating mga manggagawa ayisa sa mga pangunahing batayan ng ating pagiging kompetitibo.Ang kaalaman sa wikang Ingles ang dahilan ng ating komparatibong kalamangan sa kalakalang internasyonal. Sakabilang banda, ang sanaysay ay naghahamon sa pagtatanghal at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon para sa mga nakararaming Filipino. Kahit na ang proseso ngglobalisasyon ay nagsasanib, ang kakayahan nitong maghati aynagbabantang mahiwalay ang maraming Filipino sa mga biyayang globalisasyon. Upang mangibabaw ang epekto ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati, higit na episyente na maging susiang wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon. Ang layuninay maisama ang dumaraming mamamayang Filipino na mas nakauunawa sa wikang Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento