MAKABAGONG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
Sinulat ni: Jan Guevarra
Bilang isang mag aaral ngayon sa level ng kolehiyo na ang kinuhang kurso ko ay teknikal na Electro mechanics technology. Na ang sistema ng edukasyon ngayon ay online learning na sa tingin ko ay may malaking parte makabagong digital age sa panahon ngayon upang magpatuloy ang komunikasyon sa isa't isa kahit hindi face to face ang klase sa pamamagitan ng google meet, google classroom at iba pang mga aplikasyon. Na halos sa digital age na ito ay pinagsama sama na lahat ang apat na kapanahunan ng komunikasyon. Halimbawa ay ang mga module na binibigay sa bawat estudyante pwede mo na itong makita online. Na hindi mo na kailangan pumunta pa sa paaralan para kunin ito ng hard copy. Mga libro na pwede mo na rin makita sa google o mga e books. Sa kurso na teknikal na mayroon ng mga youtube videos na nagpapakita kung paano ito gawin. Na sa tingin ko ay ang makabagong digital age ay isang modernong pamamaraan na ng edukasyon ngayon at komunikasyon.
Ngunit sa digital age ay may mga problema pa ding mga nararanasan ang mga estudyante na nakakahadlang ang kanilang edukasyon sa pamamagitan ng komunikasyon. Bilang mag aaral hindi namin maiiwasan ng kapwa ko mag aaral na magkaroon ng problema o may mga sagabal sa level ng komunikasyon na naapektuhan ang aming mga pag aaral. Halimbawa nito ay ang Pisyolohikal na sagabal, ngayon na ang sistema namin ay online learning na kailangan ng magandang internet connection/signal at magandang mga kagamitan upang maging maayos ang pakikipag komunikasyon mo sa iyong guro. Kadalasan ay mahina ang aming signal na nagdudulot ng hindi pagkakaintindihan sa dalawang nakikipag usap gamit ang isang cellphone, minsan ay mahina ang boses ang nagsasalita na hindi masyadong maintindihan na pwedeng maging sagabal din sa pakikipagkomunikasyon. Sa pisikal na sagabal naman ay may mga hindi maiiwasan na ingay sa paligid. Pwedeng taong mga naguusap, problemang teknikal kagaya ng hindi ka komportable sa iyong kinalalagyan habang nasa online meeting halimbawa ay naabutan ka sa tabing kalsada o anumang sitwasyon na nakahahadlang ng komunikasyon.
Sa aking konklusyon, ang makabagong digital age ay patunay na hindi hadlang ang komunikasyon kahit na nasa malayo kang lugar. Na lalo itong nakatulong sa mga mag aaral dahil hindi kagaya dati na puro telepono o mga email lamang ang pwedeng gamitin na komunikasyon ng mga tao. Na ngayon sa digital age ay pwede mo nang makita ang iyong kausap sa iyong telepono o computer na higit sa 20 o higit pang mga tao. Ngunit ito ay may mga problema din na di maiiwasan ang nakasalalay sa ganda ng iyong kagamitan o internet connection upang lubos mo itong mapakinabangan na sa panahon ngayon ay hindi lahat kaya ng mga tao o mga estudyante na magkaroon nito upang sila ay makapag aral sa panahon ng pandemic na nararanasan natin ngayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento