Ora et labora.

Sulatin ni: Marc Baldoza

"1 Corinto 14" Ang wika ang nagsisilbing tulay ng mga tao para sa komunikasyon. Nagiging madali para sa atin ang magkaintindihan dahil sa wika. Nagiging organisado tayo anupat nagkakaroon tayo ng mga patakaran, mga batas, mga alituntunin at marami pang iba – lahat ng ito ay naging posible dahil sa wika. Ang sistema ng edukasyon ng mga tao ay produkto rin ng wika. Maging sa transportasyon ay kailangan ang komunikasyon. Isipin na lang ang magiging takbo ng buhay kung wala ito. Kaya ito ay napakahalagang kasangkapan sa buhay nating mga tao. At itoy ipinagpapasalamat natin sa ating Diyos dahil binigyan niya tayo ng ganitong kaloob, anupat hindi dahilan ang pagiging bingi o pipi para sa komunikasyon. Ang wika ay mahalaga sa isang tao dahil ito ay ang paraan upang magkaintindihan sila ng taong kinakausap at ito rin ay nababatay kung ano ang iyong lahi.
 
Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng diyos sa tao ay ang wika. Dahil sa wika ay nagkakaunawaan at nagkakalapit ang mga tao sa daigdig. Wika ang ginamit ng Diyos sa paglikha ng sanlibutan. Samakatuwid, sa paglikha pa lamang ng Diyos sa lahat ng nilalang samundong ito, ay mayroon nang wikang umiiral na siyang wika ng Diyos. Kaya naman napakahalaga ng wikang Filipino sa aking napiling Bokasyong pagpapari dahil sa wikang ito magagamit ako bilang isang instrumento ng Diyos sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa lahat ng Filipino na nais magbalik loob sa Panginoon para magkamit ng buhay na walang hanggan.

Ora et labora.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON