Sulatin ni: Marc Baldoza

Mahigit isang taon na nating nararanasan Ang Pandemyang ito. Nakakatakot at nakakalungkot isipin, pero parang nasasanay na ang lahat, parang natatanggap na natin na wala na tayong karaniwang pakikipagkumustahang babalikan. Wala na ang dating nakasanayan. Baka tuluyan nang mawala ang mainit na yakap sa isang kaibigang hindi nakita nang matagal. 

Bilang isang Seminarista sa kasalukuyang Panahon. May ibat Ibang potensyal na Sagabal sa Komunikasyon sa aking pag aaral sa pagpàpari. Una rito Ang Semantikong Sagabal Ang pagkakaroon ng isang salita na dalawa o higit pa ang kahulugan katulad na lamang dito sa Seminaryo dahil halos lahat kami rito ay may ibat Ibang Dayalekto Kung kaya't may mga pagkakataong Hindi Namin naiintindihan Ang panig ng bawat isa na minsan pa ay nauuwi sa pagtatalo. Pangalawa Ang Pisikal na Sagabal katulad ng Ingay sa paligid na galing sa mga sasakyan At mga suliraning teknikal na kaugnay ng di maayos na kapaligiran dito sa aming bayan na nagiging sanhi ng polusyon sa ingay na nagiging Sagabal din sa aming banal na misa at Ang ikatlong Sagabal ay Ang Pisyolohikal na Sagabal ito ang Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita o malabong pakikinig dahil sa mahinang koneksyon sa internet at hindi mabigkas ang mga salita dahil sa hiya at mga kasamang may kahinaan ang boses. At Ang pang huli Ang Sikolohikal na Sagabal sa aming komunikasyon ito ay Ang Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang kultura o lugar na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe na nais ipahiwatig sa bawat isa Pero para sa akin Ang lahat ng ito'y Hindi sapat na dahilan para mapigilan ang aking bisyo na pagseserbisyo sa Diyos at sa aking mga kapatid sa pananampalataya upang makamit Ang buhay na walang hanggan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON