Anu ang maikling kasaysayan ng Wikang Filipino?

Sinulat ni: MATANGUIHAN, Michael King Arl

Panimula

Ang pag kakaroon ng wikang pambansa ay nag bibigay daan sa pag kakaisa ng mga mamayan at nag bibigay ng tulong sa pag-unlad mg ibat ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bannsa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag ugnayan at pakikipag talastasan ng bawat mamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nag kakaintindihan. Ang wikang filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nag babago. Gumagamit na din tayo ng ibat ibang paraan upang mas mapaikli ang pag bigkas o paggamit ng ating wika ilang halimbawa ang pagpapalawak ng bokabularyo ay ang pag ng akronim o ang pag gamit ng mga letra na nagrerepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumusunod na halimbawa ay ang pag papalit ng mga arkayk na salita sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinaka uso sa panahon ngayon ay ang pag gamit ng mga balbal na salita. Ito ang pinakamababang antas ng wika na Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.

Paglalahad ng suliranin

Ang pag aaral na ito ay upang maipakita ang pananaw ng mga mag aaral. Sa ibat ibang kurso na may filipino subject sa patuloy na pag unlad ng wika sa Paglipas ng panahon. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan: Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang pilipino? Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang
filipino?

Mahalaga ba ang pagunlad ng wika?

Kahalagahan ng pananaliksik

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag ugnayan at pakikipag talastasan ng bawat mamayan. Ito ang ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nag kakaisa o nagkakaintindihan. Kaya ang pag aaral na ito magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod: Sa mga mag aaral. Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita na kanilang kailangang gamitin na makakatulong din sa pag tatagumpay ng kanilang pag aaral. Sa mamayan. Ang pag aaral na ito ay mag bibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag unlad ng bayan. Sa mga susunod na oang henerasyon. Ang pag aaral na ito ay maari nilang balikan at ito ay mag bibigay ng sa kanila ng ideya patungkol sa wika ng unang panahon.

Saklaw at limitasyon ng pag aaral

Ang layunin ng pag aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika noong sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalang alang ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pag aaral ukol dito.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON