Sinulat ni: Janseth Navi L. Cairel
Bilang isang seminarista sa panahon ng pandemya masasabi kung maraming potensyal na sagabal sa komunikasyon lalo na saming pag- aaral. Sa panahon ngayun para maiwasan COVID-19 kailangan nating manatili sa ating bahay at online lang ang pag- aaral. Semantiko, pisikal, pisyolohikal at sikolohikal ang mga uri nang sagabal na naka aapekto sa aming kurso. Semantikong sagabal, sakursong napili ko at bilang isang bisaya, masasabi ko na medyo na hihirapan ako sa pag intindi ng mga salita na sinasabi ng mga kasamahan ko na nag uudyat nang di pagkaunawaan, ganun din sa sekta ng aking pag- aaral. Sa pilosopiya maraming mga salita ang mag kaiba ang kahulugan, mas malalim ang nais na ipinapahiwatig nito kesa mga nakasanayan nating kahulugan. At dahil wala akong masyadong alam sa kurso ko kailangan kong mas maintindihan ang bagay- bagay para hindi ako mahirapan sa semantikong sagabal ng aking kursong pinag aaralan. Pisikal na sagabal, dulot na rin sa lokasyon ng aming seminaryo na nag uudyat ng mahinang koneksyon sa internet masasabi kong nakakaranas ako ng pisikal na sagabal. Hindi ko ma buksan aking camera habang nagkaklase. Pisyolohikal na sagabal, ito ang pagkakaiba natin sa isat isa na maaaring dahilan ng pagkakamali. Katulad sa akin medyo nahihirapan akong mag basa ng tagalog na nag dudulot ng di maayos na pagpapaliwanag. Sikolohikal na sagabal, sa aming samahan sa sandatahang banal bilang mga sundalo ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan, ang pagkakaiba ng kultura at desisyon sa buhay ay isa sa mga pagsubok na dapat naming unawain para magkaisa kaming lahat. Sa mga sagabal na aking naranasan sa aking kinuhang kurso ay kung paano ako naturuan na mas mapalawak ang aking pakikipag komunikasyon sa aking mga kasamahan o kahit man sila ay malayo, lalo na kapag ako'y nangangailangan ng a mga sagabal na aking naranasan sa aking kinuhang kurso ay kung paano ako naturuan na mas mapalawak ang aking pakikipag komunikasyon sa aking mga kasamahan o kahit man sila ay malayo, lalo na kapag ako'y nangangailangan ng tulmaayo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento