Sulatin ni: Janseth Navi L. Cairel
Sulatin ni: Janseth Navi L. Cairel
Ang wika ay hindi lamang salita na nag kukonekta sating lahat kundi isa ring ritmo ng ating pagkatao sa mabuting pakikitungo. Bilang isang seminarista sa sambayanang pilipino, hindi lang para maipag- malaki na pinoy tayo ang pag- aaral na wikang filipino kundi para din mas mabigyan natin ng halaga ang wikang nag durugtong sa atin sa lahat ng mga pilipino. Para magka isa tayo sa isip salita at gawa ang wika ang syang instrumento na pinag ka luob sa atin ng diyos bilang daan ng pag papalaganap ng mensahe ng kabutihan. Tulad ng ingles na nag durugtong satin sa lahat ng tao sa mundo, ang wikang filipino naman ang nag durugtong sating mga pilipino. Ang mga seminarista na tulad namin ay mga misyunaryo na ang tungkulin ay ibahagi ang salita ng diyos sa lahat ng pilipino at sa mundo. Nararapat lang na maintindihan namin ng mabuti ang wikang filipino. Lalo na sa panahon ng pandemya mas marami tayong oras na bakante. Gawin natin itong alternatibong dahilan para balik tanawin nating ang kahalagahan ng ating pagkatao, at yun ay ang pag buhay ng ating wika. Sabi nga nila ang wikang filipino ay sandata natin at representasyon ng pag kakaisa ng mga pilipino. Kahit na mas maraming mga pilipino ang pabor sa ingles dapat nating tandaan na hindi sa lahat ng panahon kailangan nating makisabay sa mundo, minsan kailangan natin mahalin ang sariling atin. Hindi masama ang matuto ng ingles, ang masama ay kalimutan mo kung sino ka talaga sa pamamagitan ng ating sariling wika. Mula Luzon hanggang Mindanao ay may iba-iba tayong wika, kaya mas maipag- patibay natin ang ating koneksyon kung may isang wikang filipino tayong nalalaman, hindi para palitan ang naka sanayan kundi para dagdagan ang atin kaalaman sa makabuluhang paraan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento