BAKIT NGA BA MAHIRAP TUMANGKILIK NG SARILING ATIN?

Sinulat ni: Nathaniel Centeno

BAKIT NGA BA MAHIRAP TUMANGKILIK NG SARILING ATIN? 


Introduksyon 

Sa blog na ito ay tatalakayin natin ang kundisyon ng ating pagkakaisa bilang mga Pilipino. Maraming mga Pilipino ang naghahangad ng maganda o magarang sasakyan o minsan basta may sasakyan lang ayos na, at doon pumasok ang problema ng ating bansa masyado tayong na pokus sa mga gawa ng banyaga at nalimutan na nating tangkilikin ang sariling atin. Bilang parte ng industriya ng automotive gagamitin ko ang aking kakayahan na gamitin ang makabagong media upang ipaalam sa sambayanang Pilipino na kaya rin natin. Sana sa blog ko na ito ay malinang ang isip ng mga Pilipino na meron din tayong ipamamalas pagdating sa larangan ng automotive.










Aurelio 

Sa larangan ng automotive di hamak na napakalayo na ng agwat kung ikukumpara natin ang Pilipinas sa mga bansa sa silangan, ngunit narinig mo ba ang pangalan na Aurelio? Ang Aurelio ay isang kumpanya na base sa Manila na naglalayong mapakita ang gilas ng Pilipinas sa pag gawa ng mga sasakyang tulad ng mga Lamborghini, McLaren, atbp. Ang larawang naka paskil sa taas ang kanilang likha na balak nilang ibenta sa ibang bansa dahil walang kagustuhan ang mga Pinoy na bumili ng Aurelio sa kadahilanang “cheap” daw ito. Ngayon bilang isang mekaniko sa hinaharap napakasakit na marinig nito sa akin kasi pano mo tutulungan ang bansa mo kung unang una palang ay ayaw kana pansinin, pero dahil sa lakas ng loob ng mga tao sa Aurelio nagtatangka sila ngayon na ibenta ito sa iba’t ibang panig ng mundo at ikinakalat nila ang pangalan ng Aurelio sa pag sali sa mga “Car Show”. Kaya ko ginawa ang blog na ito upang maikalat sa internet na kung kaya ng ibang bansa ay kaya rin natin dito sa Pilipinas hindi ka dapat maging ulila sa sarli mong bansa. 


Sarao Jeepney image by Rappler 


Sarao Jeepney 

Isa ang Sarao Jeepney sa mga produktong hindi na kilala ng ating mga bagong henerasyon kahit nga sa aking henerasyon ay may mga hindi na nakakaalam nito. Ang kumpanyang ito ay kinuha ang inspirasyon mula sa mga tradisyonal na Jeep sa lansangan ng Manila. Napakaganda ng ideyang ito sapagkat ang Jeepney ay isa sa mga imahe ng ating bansa na minsan ay dinarayo pa nga ng mga dayuhan upang makita ang mga ito. 

Paano ko maiihahayag sa mga ibang Pilipino ang mga ito?

Sa realidad ng Pilipinas na ang mga banyangang produkto ang sikat, kaya mahirap ng baliin ang mga nakaugalian ng mga Pinoy, pero bilang isang mag-aaral gagamiting ko ang aking mga kakayahang digital tulad ng pag blog at vlog ng mga bagay na gawa sa Pilipinas. Sa bansa kasi natin bihira kana makakita ng mga Pilipinong iniyayabang ang mga produkto natin, sa tingin ko ang puno’t dulot nito ay ang kawalan ng impormasyon tungkol sa mga produkto natin kaya sa mga susunod na panahon gagawan ko ito ng paraan ako ay lilibot  sa Pilipinas at ipapakita ko sa ating mga mamayan na maraming produktong mas maganda pa kaysa doon sa mga produkto ng banyaga at ang lahat ng ito ay gagawin ko sa pamamagitan ng pag gamit ng internet at mga libro. 

Konklusyon 

Maraming Pilipino ang nasa isip nila ay ang mga gawang Pilipinas ay hindi maganda. Ngunit ngayon sa kapangyarihan ng internet ay madali na nating maihahayag na maganda ang ating mga produkto at dapat itong bilhin para narin makatulong na rin sa ating ekonomiya. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON