Internalisasyon at Globalisasyon: Mga Bagay na Nagpapaikot-ikot sa Mundo at ng Wika
Sinulat ni: Haley French A. Mansalapuz - 1st Yr. BSIT
Isang mahalagang bahagi ng modernong mundo ay ang sistemang pangkalakalan. Simula pa noong pagdaong ni Magellan sa mga baybayin ng mga isla ng Bisayas, ito ay patuloy-tuloy pa ring nangyayari sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng Internet at makabagong teknolohiya. At isa sa mga idinulot nito, ang pananakop sa atin ng mga iba't ibang makapangyarihang bansa ay ang pagpapalit-palit ideya't isipan, pati na rin ang impluwensya ng mga banyagang ito. Iyan ay isang halimbawa ng impakt ng globalisasyon sa ating bansa.
Wari'y 'di natin mapapansin ito sa araw-araw, pero ito ang katotohanan. Ang globalisasyon ay isang proseso kung saan nagsasama-sama at nagiging konektado ang mga tao sa iba't ibang dako ng mundo kahit ano pa mang lahi, relihiyon o antas ng buhay ang meron sila. Ito ay kapansin-pansin sa paggamit natin ng Internet: may makakasalamuha rin tayong mga banyaga sa social media, na mayroon ding mga sari-sariling mga pagkakailanlan. Ito ay isang ideya na umusbong sa ika-19 na siglo na mas lalo pang nagkaroon ng kaugnayan sa kontemporaryong mga usapin ng mga eksperto nito.
Dahil rito, puwede nating masabi na ang ideya ng globalisasyon ay may edad, pero nabibigyan din ng mga bagong depinisyon maging sa modernong panahon. Pero sa kasalukuyan, mayroon ding konsepto na nagiging usapin din at nauuso sa mga eksperto na nais bigyan ng bagong kahulugan ang mga pangyayaring global: ito ay ang internalisasyon.
Kung kukumparahin natin sa globalisasyon, na nakatuon sa pagiging konektibo at pagsasama ng mga lipunan ng iba't ibang bansa sa mundo, mayroong mas naangkop na depinisyon ang internalisasyon para rito. May nagsasabi rin na ang internalisasyon ay isang "ekstensyon" o "kabalikat" ng globalisasyon dahil ang pokus nito ay ang pag-hihikayat o promosyon ng mga isipan o produkto. Halimbawa nito ay ang mga multinational companies tulad ng McDonald's na may iba't ibang estratehiya upang ibahagi ang mga produkto at serbisyo nila sa iba't ibang mga tao sa mundo. Bahagi rin ito ang standardization, o ang pagiging pantay-pantay ng mga tatak o brand ng mga kumpanya.
Mayroon rin itong kahalagahan sa wika: kung ang globalisasyon ay isang puwersa na ginawa ng Imperyo ng Gran Britanya sa pinaka-higit nitong sakop sa mundo noong mga nakaraan, ang naging pamana nito ay ang wikang Ingles na kilala ngayon bilang isang "unibersal na wika". Ang internalisasyon naman ay ang ekstensyon nito: ang paggamit ng Taglish ay naging tanyag na rin mas lalo na sa mga kabataan dahil mas nasanay sila sa paggamit ng Ingles dahil sa mga media (telebisyon, online streaming, social media, atbp) na nag-tutulak nito.
Sa mga hiwatig na ito, ating maiintindihan na ang internalisasyon at globalisasyon ay, kung paano, konektado pero bagkus ito'y mga natatanging mga konsepto. Ang epekto nito sa ating buhay - o pati na rin sa ating wikang Filipino ay kabigatan. Pero gayumpaman, hindi natin gaanong mahuhulaan kung anong mangyayari sa hinaharap, pero nasa atin pa rin kung ano gaano natin bibigyang halaga o paano nating gamitin ang kulturang Pilipino, pati na rin ang ating wika, sa makabagong, konektadong mundo na ito.
ang kursong iyong napili ay maaring maging daan tungo sa pagpapayabong ng globalisasyon sa pamamagitan ng posibleng pag imbento ng makabagong platform ng social media.
TumugonBurahin