Ang Maikling Kasaysayan ng Wikang Filipino
Sinulat ni: Marc Baldoza
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming Pulo at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Lahat ng grupong ito ay may kani-kaniyang sariling Dayalekto. Ayon kay Ma. Crisanta Flores, Siyam na raang Taon bago Kay Kristo nagmula Ang wikang Pilipino na maiuugat sa wikang Austrenasyano. . Ito naman ay naimuhon Ang salalayan ng wikang ito. Ang laguna copperplate Inscription ay Ang pinaka unangkatunayan o ibendensya nito na naglalaman ng ibat Ibang uri ng mga lumang salita tulad ng malay, java at tagalog.
Gayunpaman, ang Baybayin ang sinasabi naman na pinakamatandang pamamaraan ng pagsulat at ito ay pinaniniwalaang nagmula pa noong leaving apat na siglo. ito ang ginamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa mga Pilipino ang magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumentong bumibigkis at simbolo ng ating kultura at nasyonalidad.
Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon noong unang panahon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino. At Ang wikang ito ay nag-iba sa pagdaan ng maraming panahon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento