Kolaborasyon, Kumpiyansa at Diskarte
Kolaborasyon, Kumpiyansa at Diskarte
Mga Hinaharap ng Estudyanteng IT na mga Sagabal sa Komunikasyong Filipino
Mga Hinaharap ng Estudyanteng IT na mga Sagabal sa Komunikasyong Filipino
Sinulat ni: Haley French A. Mansalapuz
gqrgm.com |
Isa sa mga pagsubok na kailangang harapin ng estudyanteng IT ay kung papaano malagpasan ang pagtuturo at pagpapahayag ng mga iba't ibang konsepto sa programming, systems management, atbp. mula sa wikang Ingles sa Tagalog. Mas nakakainis, o puwede rin nakaka-umay kung gagamitin mo ang sang-daang porsyentong lakas ng utak upang magkaroon ng kalinawan sa topiko o konseptong pinag-didiinan sa klase. Bagkus, hindi ito problema sa akin dahil mayroon akong kasanayan sa paggamit ng Ingles pati na rin sa teknikal at sintaktikong (syntax) mga konsepto ng mga programming languages na aking natutunan sa aking kurso. Sa pamamagitan ng kolaborasyon, maiaambag ko ang aking kaalaman tungkol sa mga ito sa mga kapwa kong estudyante na nahihirapan sa klase. Sa pamamagitan ng pag-sasalin ng wika at simpleng pagpapaliwanag ng mga ito may pagkakataon silang maging mas mahusay sa kursong ito. Mahalaga rin ito kung sakali, may kapwang-Pilipino rin na nahihirapan sa trabahong ito, puwede ring gamitin ang nasabing paraan upang mabawasan ang kanyang kalbaryo sa kanyang gawain at mapagaan din ang kanyang pakiramdam.
Litrato ni: Igor Goncharenko |
Ang kumpiyansa ay isa ring mahalagang katangian upang maibsan din ang mga sagabal sa komunikasyon mapa-trabaho man o tuwing nag-aaral. May mga pagkakataon din na kung saan may mga pag-uulat o pagpupupulong na nagaganap mas lalo na kapag propesyonal ang aura o ang kapaligiran ng pinagtratarabahuan. Sa ayaw at sa gusto natin, isang sagabal rito ay ang ating pisyolohikal na pakiramdam at pati ang mental na estado natin dahil ito ay nagdudulot ng nerbyos o pag-kawalan ng kumpiyansa tuwing nag-uulat ang mga empleyado. Ito rin ay mahalaga kahit sa mga kapwa-trabahador din dahil kung mahiyain kang kausap puwede rin itong maka-apekto sa pagiging produktibo (productivity). Subalit sa tingin ng publiko na ang kursong ito ay puro-kompyuter lamang ang harap at ang pinagtutuunan, mahalaga pa rin ang komunikasyon dahil kadalasan ang kapalaran mga proyekto at gawain nito ay nakasalalay rin sa pagkaka-buklod-buklod at pagkakaisa ng mga empleyadong may hawak nito, o sa simpleng salitang Ingles, synergy. Isa sa mga importanteng katangian ng synergy ay ang komunikasyon din mismo, dahil isa itong epektibong paraan upang maihayag ang mga hinaing, problema, at suhestyon ng isang grupo upang mapabilis o mapabuti ang kinalalabasan ng kanilang nagawa.
Sa huli, kinakailangan din ng diskarte sa mga hamong ito. Importante rin ang diskarte sa mga sitwasyong tulad nito, mas lalong usong uso na ang online learning dahil sa halos isa't kalahating taon ng epidemyang ito. Upang hindi mawalan ng pag-asa at pagkakataon sa paggamit ng komunikasyon, kailangang maging madiskarte ang mga nag-aaral ng kursong ito. Pag-tipid sa paggamit ng mobile data, tamang pagtatakda at paggamit ng oras ,pag-aayos ng mga aplikasyon sa kompyuter upang mapabilis at mabawasan ang pag hang nito, pati na rin ang aksesibilidad sa mga bago at hi-tech na gadgets, kung maari ay isa sa mga paraan upang masigurado na updated tayo sa mga gawain at mga task natin sa kursong ito. Subalit kung hindi natin ito na-agapan ay magdudulot ito ng gulo at problema sa ating mga marka.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento