ANG MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: ANG BUOD

Sulatin ni: MARASIGAN, Nikita Yñigo A

Sa panahon ng mga Kastila, nagkaroon ng malaking pagkakawatak watak ang mga Pilipino. Naging matagumapay ang pagsasakop at paghahati sa mga katutubo ang mga mananakop. Napanatili sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino ng mahigit tatlondaang taon. Hindi itinanim sa mga Pilipino ang kahalagahan ng isang magkakasamang wika. Ang mga prayle ang nag aral ng wika. Hindi itinuro ng mga Kastila ang kanilang wika sa takot na kapag natutunoan ito ng kanilang nasasakupan ay gamitin ito upang maghimagsik laban sa kanila gamit ang wikang Kastila. Kaya’t mas lalong napanatili ang wikang Filipino.

Sa panahon ng Amerikano, Ingles naman ang ginamit na wika sa pagtuturo sa mga paaralan. Bukod sa wikang Ingles, Itinuturo din ang kasaysayan ng Amerika, kasama na rin dito ang ekonimiko, literatura, at marami pang iba. Hindi pinahintulutan ang pag aaral na may kinalaman sa Pilipino. Kaya’t mas lalong naging interesado ang mga estudyante sa mga bagay tungkol sa Pilipino. Ito ay nagbunsod sa kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawakasan.

Noong 1925, nagsagawa ng pag aaral anf Komisyong Monroe na magpapatunay na may kakulangan sa pagtuturo at pag aaral ng ingles sa mga paaralan ngunit sa huli ay walang nangyaring anumang pagbabago.

Noong 1934, lalong napag usapan sa Kumbensyong Konstitusyonal ang wika. Maraming mga mambabatas anf sumang ayon sa magiging opisyal na wika pero sinalungat ito ng mga naniniwala sa wikang Ingles. Paniniwala ng mga naniniwala sa wikang Ingles na mas angat ang mga taong Ingles pagdating sa kalakalan at pulitika. Nakalimutan din mga naniniwala sa wikang Ingles ang tunay na makapagbibigay ng kaginhawaan sa mga Pilipino. Dahil sila ay laging nakatuon ang atensyon sa wika.

Sa Panahon ng mga Hapones, ay iminungkahi ang paggamit ng wikang Filipino dahil ipinatigil ang paggamit ng wikang Ingles sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagbawal din ang Paggamit ng mga librong peryodikal na may kinalaman sa mga Amerikano. Sa pagbubukas ng mga paaralang ginawa ng mga Hapones, wikang Tagalog ang ginamit na wika sa pagtuturo. Kasabay ng wikang Tagalog ay ang pagtuturo din ng wikang Niponggo. Sinasabing mas nagningning ang wikang Filipino sa Panahon ng mga Hapones.

Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang dating pangalang wikang Tagalog sa wikang Filipino bilang pambansang wika sa Kautusang Bilang 7 na inilabas ng Dating Kalihim ng Edukasyon Jose E. Romero.

Mga Komento

  1. gaya ng aking nabanggkit, ang paglalahad na tulad nito ay maaring mapaganda sa pamamagitan ng paggamit ng mga graphic representation. Magiging mas makabuluhan ang paglalahad.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON