PAGKAWATAKWATAK NG WIKANG PILIPINO
Sulatin ni: Jan Guevarra
Ang pilipinas ay binubuo ng maraming isla. na may ibat ibang mga etnollingustikong tribo na naninirahan dito. Na bawat isang tribo ay may mga ibat ibang wika. Na ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) ay mayroon na mahigit limandaang mga wika ang ginagamit ng Pilipino. Na sa daming ibat ibang wika sa pilipinas ay dapat na meron lamang iisang wika na magagamit bilang instrument o simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad.At nung tayo ay nasakop na ng kastila ng higit tatlong daan na taon. Ang mga Pilipino ay lalong nagwatak watak dahil hindi pinayagan ng mga kastila na magbuklodbuklod tayo dahil mayroon tayong ibat ibang wika at hindi rin nila tayo tinuruan ng kanilang wikang espanyol. dahil na rin naisip nila na pwede tayong maghimagsik sa kanila kung magkataon na ang mga Pilipino ay may iisang wika para malaman ng bawat Pilipino ang nangyayari sa bansa.
Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan.Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal.
At sa panahon naman ng mga amerikano, na pinaniniwalaan na ang mga thomasites o mga booluntaryong mga sundolo sa amerika ang kauna unahang guro sa pilipinas. Ang wikang ingles ang kanilang ginagamit sa kanilang pagtuturo sa paaralang pampubliko na kasama sa kanilang mga itinuturo ay tungkol sa kanilang kasaysayan, literature, kultura at ekonomiya. Na sa panahong din yon ay pinagbabawal ang pagtuturo na may kinalaman sa mga Pilipino. Na nagging sanhi na magbago ang mentalidad ng mga pilipno noon. Subalit ang mga katutubo noon ay itnataguyod pa din ang kanilang wikang nakagisnan. Na marahil ditto ay naitanim na ng mga amerikano sa pagiisip ng mga Pilipino na mas importante at mas dominante ang wikang ingles kaysa sa wikang tagalog. Na nangyayari pa rin ito sa mentalidad ng ibang mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan.
Bilang mag aaral hindi ko maitatanggi na kaylangan natin pag aralan ang wikang ingles lalo na ang malaking parte ng aking kurso ay nakAbatay sa wikang ingles at lalo na kung gusto ng isang indibidwal na maging matagumpay hindi lamang ditto sa pilipinas kundi sa ibang bansa. Ngunit mas maganda pa rin balikan natin ang ating sariling wika dahil. Sa daming Pilipino na nagkalat sa ibat ibang mundo ay mayroon ka pa rin makaka salamuha na Pilipino sa iyong trabaho sa ibang bansa. Kung gayon mas maganda pa rin na mag usap kayo ng kung saan kayo komportable na wika bialng isang Pilipino lalo na sa mga ibang salita na komplikado sa inyong trabaho na hindi pwedeng isalin sa wikang tagalog. Kung sa ganon ay maihayag mo ito ng mabuti at maiintindihan niya. lalo na kung may mas alam ka sa kanya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento