Kalagayan ng Filipino sa Kasalukuyang Panahon

Sinulat ni: Almonisid, Ivan M.

Ano ang maikling kasaysayan ng Wikang Filipino?

Batay sa aking napanood ang wikang filipino ay nag mula sa wikang austronesyano (9000 B.K/BCE). Kawat ang ibatibang wika sa ating basa ay magkakahalintulad tulad ng umaga and

aga. Ang baybayin ay ang makalumang paraan ng pagsusulat At nang sinakop ng kastilal ang ating bansa idiniklara nila ang wikang romano at wikang kastila ang wikang panturo at kumonti nalang ang gumagamit ng baybayin.

Batay naman sa dagdag na impormasyon na aking nakalap sa internet Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010). Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong

Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935).

Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano Pangasinan Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte Tagalog Bikol Ilokano. Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng PangulongManuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral. Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

Mga Komento

  1. mas maganda ang gantiong topic ay gawan ng video presentation o kaya ay may dagdag na graphic presentation. Naisip ko lang

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON