KOMUNIKASYON SA GENERASYON NGAYON

 Kayl Richard MAGPANTAY

    Bilang isang magaaral sa kolehiyo at sa panahon natin ngayon na pandemic at bawal lumabas ang lahat dahil sa panganib na dala ng virus sobrang laki ng impact ng Internet, social media at gadgets sa panahon ngayon dahil sa pamamagitan nito tayo nakakapagcommunicate sa bawat isa at dahil limitado lamang ang ating pagkikita sa bawat isa isa ito sa mga hakbang upang maipagpatuloy pa rin natin ang ating pagaaral, pagtatrabaho at pamumuhay sa araw-araw. Kahit na gaano man tayo kalayo sa bawat isa isang pindot lamang ay makakausap mona ang mga taong gusto mong kausapin at malaman ang mga impormasyon na dapat natin malaman upang tayo ay matuto sa ating pag-aaral, ang ating komunikasyon sa ating mga guro, pamilya, kaibigan ay lubos na importante para sa ating sarili at sa ating pagaaral. Sobrang laki na talaga ng pinagbago ng ating bansa lalo na ang komunikasyon natin kung ikukumpara natin noon sa ngayon, noon ay nakikipagusap lamang tayo sa pamamagitan ng sulat at araw o linggo pa ang hihintayin upang makuha ito ng iyong pinagdalahan ngunit sa panahon ngayon na sobrang high tech na ay isang pindot mo lamang sa iyong gadgets ay marami ka nang makakausap na tao kahit sino man na iyong gustuhin, maraming uri at maaring gamitin sa pakikipagkomunikasyon at ang mga ito ay mahalaga sa bawat isa sa atin dahil ang mga komunikasyon na ito ay malaki ang silbi at maraming pwedeng paggamitan sa halos lahat ng aspeto ang bawat tao ay may taglay na komunikasyon sa pagtatrabaho, pagaaral, pangangamusta sa basta isa, pagtatanong, at kahit mga sign language ay isang bahagi at parte ng komunikasyon. sa kabilang banda ang komunikasyon ay napagaaralan upang ikaw ay maging mahusay dito sa bawat araw ng ating pakikisalamuha sa ibang tao ay gumagamit tayo ng komunikasyon kaya bawat araw din ay nahahasa natin ito, sa tingin ko ay hindi na mawawala ang komunikasyon sa paglipas man ng mahabang panahon dahil tayo ay nabubuhay para makipagcomunicate sa ibat-ibang mga tao sa ating paligid.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON