Ang Nakasanayang Wika patuloy sa aking pangarap
Ang Nakasanayang Wika patuloy sa
aking pangarap
Wikang filipino ang gamit nating wika
Iba't-ibang bansa, kanya-kanyang wika
Itaguyod natin ang wikang pambansa
Dahil Ito ay higit pa sa malansang isda.
Ang bawat tao ay may sari-sariling opinyon
At Ito ay nagagamit sa
pakikipagkomunikasyon
Magkakaiba man ito ngunit nagagawan ng
aksiyon
Sa huli kapag pinagsama-sama nagiging
isang kontribusyon,
Bakit mahalaga ang sariling wika?
Ito'y kaluluwa ng mahal nating bansa.
Edukasyon ang Susi sa tagumpay na
minimithi
Pakikinig at pagbasa para maintindihan tuwina
Ako'y
nangangarap at nagsisikap
Para makatulong sa aking hinaharap
Ang magulang ay ginto na iyong yakap
Para makapagtapos kahit na mahirap
Bakit ako nangangarap? Simple lang
Dahil sa gusto Kong iahon ang aking
pamilya sa hirap,
At kasama ko ang Diyos na aking yakap
Sa anumang problema na aking hinaharap.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento