Senseless (Walang Halaga)



'Senseless' (Walang Halaga) By: Juan Tamad Ang wika ay may napakalaking gampanin sa ating buhay sa kadahilanang ito ay ginagamit para maunawaan natin ang isa't isa. Isang napaka halagang pag aaral ang wikang Filipino sa kursong tinahak ko ngayon kasi mas mapapalawak nito ang aking pakikipag talastasan sa mga bagay bagay na hindi o mahirap intindihan. Ang kasaysayan ng ating wika ay dapat lang nating alamin para mas umunlad ang ating pakikipag talastasan sa kapwa natin pilipino. Ang pamimilosopiya ay isang napakalaking tulong hindi lang sa amin mga seminarista na nagbabalak na maging pari, kundi pati na rin sa atin mga ordinaryong mamayanan para tayo ay hindi padalos dalos sa ating mga ginagawa, at gagawin pa lang sa hinaharap kasi ating napag aralan ang ating mga ginawa. Ang mga bagay o mga lektyur na aking naaalala at tumatak magpasahangang nagayon ang lektyur pa tungkol sa pakikinig, pagbasa, pagsulat, at pagsasalita. Una ang pakikinig ay hindi lang sapat na ating narinig ang nagsasalita bagkus dapat naintindihan natin ang mensahe ng "speaker". Pangngalawa pagbasa ito ay tumutukoy hindi sa tamang pagbabasa ng mga salita ngunit ito din ay dapat naintindihan ng mga nakikinig, nang malinaw at angkop sa ating taga pakinig. Pangngatlo pagsulat ito ay hindi lang dapat marunong tayong mag sulat kung hindi marunong din tayo ng mga pamamaraan nang pagsulat ng mga bagay bagay, isang halimbawa ay ang pagsusulat ng maikling kwento at pagsusulat ng 'script' silang dalawa ay magkakahalintulad pero sila din ay may mga pagkakaiba. Pang apat pagsasalita ito ay hindi na dapat tayo ay marunong magsalita sa harap ng mga tao o may 'confidence', dapat din nating intindihan ang ating 'audience' kung ang atin bang mga salitang ginagamit habang nagsasalita ay angkop sa kanila. At maari din tayong maka salubong ng mga sagabal sa ating pakikipag talastasan sa ating kapwa, mga sagabal sa komunikasyon na aking nararanasan ay ang semantikong sagabal na tumutukoy sa isang salita na may dalawa o higit pang kahulugan, isang halimbawa dito ay ang mga salitang puno, maaring tinutukoy nito ay punong kahoy, at maari ring basong puno. Ang pangngalawang sagabal sa komunikasyon ay pisikal na sagabal, ito na man ay tumutukoy sa mga ingay sa paligid, distraksyong biswal at may problema sa sound system, isang halimbawa na aking maiibibigay ay habang ikaw ay nag oonline class ay maingay ang inyong paligid. Ang pangngatlong sagabal ay pisyolohical na sagabal ito na man ay tumutukoy sa mga sagabal na maaring mahina ang boses ng nag sasalita. Ang panghuling sagabal naman ay sikolohical na sagabal ito na man ay nagiging sagabal sa kadahilanang maaaring mayroon tayong pagkakaiba iba ng background (in terms of family, ethic, etc.) maaring ang mga sagabal na ito ay makaapekto sa ating pang araw araw na desisiyon sa buhay. Ang mga sagabal na ito ay maaring maiwasan kung iintindihin natin ng maigi ang mga nag sasalita para makuha ang kanilang mga punto. Ang isa sa mga bagay na minsan ating na babaliwala ay ang wika, na dapat nating unang binibigyan ng pansin dahil isa ito sa ating pagkakakilanlan bilang tao o kahit man lang bilang isang Pilipino. Ang Filipino ay ang ating wika na maaaring nating ipagmalaki sa buong mundo, dahil meron tayong isang bagay na ating masasabing nagmula at una sa atin o 'not an alien to our filipino culture'. Marapat lang din na bigyang atensyon talaga ang pag-aaral ng wikang Filipino. Dahil ang wikang ito ay ang pinaka naiintindihan ng lahat ng pilipino sa ating bansa at mas maipapaliwanag natin ang ating mga gustong iparating sa kapwa nating pilipino. Ang Tagalog ay mayroong sariling sistema ng pagsulat batay sa isang sinaunang iskrip na tinawag na Baybayin na gumagamit ng isang syllabic alpabeto, na binigyan ng mga kolonyalistang Espanyol. Kahit na ang modernong alpabeto ay binago nang maraming beses upang isama ang mga banyagang tunog mula sa kapwa Espanyol at Ingles. May mga kaunti mang nabago ngunit hindi nito maitatangngi ang ating pagiging Pilipino Jhon Kenneth Marquez Mapalo St. Gaspar Bertoni Seminary 

B.O. Mabuhay Carmona, Cavite 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON