Sinulat ni: Jhon Kenneth M. MAPALO

Ang sagabal ay isang balakid sa mga bagay bagay na kailangan nating gawin, maaring may mga sagabal sa ating pang araw araw na desisiyon sa buhay. Mayroon ding mga sagabal sa ating komunikasyon o pakikipag talastasan sa ating kapwa, para malaman ang ideya ng isang tao. Unang sagabal sa komunikasyon na aking nararanasan ay ang semantikong sagabal na tumutukoy sa isang salita na may dalawa o higit pang kahulugan, isang halimbawa dito ay ang mga salitang puno, maaring tinutukoy nito ay punong kahoy, at maari ring basong puno. Isa pang halimbawa ay ang salitang supot, maaring tumutukoy sa masilang parte ng katawan ng lalaki o ito ay pwede mo ding lagyan ng ulam mula sa birthday party ng kapitbahay niyo. At pang huli ang salitang baga, maaring tumutukoy sa parte ng kawatan ng tao o kaya sa baga ng apoy, yan iilan lang sa mga halimbawa ng semantikong sagabal. Ang pangngalawang sagabal sa komunikasyon ay pisikal na sagabal, ito na man ay tumutukoy sa mga ingay sa paligid, distraksyong biswal at may problema sa sound system, isang halimbawa na aking maiibibigay ay habang ikaw ay nag oonline class ay maingay ang inyong paligid. Ang pangngatlong sagabal ay pisyolohical na sagabal ito na man ay tumutukoy sa mga sagabal na maaring mahina ang boses ng nag sasalita. Ang panghuling sagabal na man ay sikolohical na sagabal ito na man ay nagiging sagabal sa kadahilanang maaaring mayroon tayong pagkakaiba iba ng background (in terms of family, ethic, etc.)

Ang mga sagabal na ito ay maaring maiwasan kung iintindihin natin ng maigi ang mga nag sasalita para makuha ang kanilang mga punto.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON