Ian Carlo N. Dumayas

    Filipino ang siyang tinuturing na Lingua Franca ng ating bansa. Noong 900 B.C., may mga wika sa kapuluaan na hindi nalalayo ang kahulugan at anyo sa isa't isa. Isa sa mga halimbawa nito ay ang balay, valay, bahay na parehong magkatugma sapagkat ang mga nasabing salita ay magkakamag-anak dahil iisa ang pinagmulan ng mga ito. Ang relasyon ng mga salitang ito ay tinatawag na 'cognate' sa wikang Ingles. Sinasabing ang pinag ugatan nito ay ang Laguna Copperplate Inscription na siyang pinakamatandang nakasulat na dokumento, na kung saan ay hango sa Kawi Script na may ilang salita na mula sa Malay, Sanskrit, Java at Tagalog. Sa kabilang banda, Baybayin naman ang matandang pamamaraan ng pagsulat na nagmula rin sa Kawi Script. Subalit, iba ang Baybayin sa Alibata, sapagkat ang nabanggit na huli ay nanggaling sa wikang Arabic. Sa pagdating naman ng mga Kastila sa bansa, mahahanap sa Vocabulario de Lengua Tagala, taong 1613 na akda ni Fray Pedro De San Buenaventura ang salalayan ng wikang Filipino bilang kodipikasyon ng unang anyo nito sa mga panahong iyon. Sa taong 1609, sa ilalim parin ng kolonisasyong Kastila, naisulat sa Sucessos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga na ang ating mga katutubo noon ay maroong mataas na literasi sa pag gamit ng kanilang baybayin. Ngunit paglipas ng 200 na taon ay bumamaba ito nang ipataw ang Alpabetong Romano at Kastila sa panlipunang institusyon. Sa paglipas ng panahon ay tanging mga matatanda at masa na lamang ang gumagamit ng alpabetong ito. Hanggang sa kinalaunan ay itinuring ang wikang Kastila bilang isang wikang prelibihiyado.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON