Pakikinig sa Impormasyon

Sinulat ni: John Ralph O. Jordico

Masasabi na natin na ang pakikinig ay importante sa buhay natin simula at hanggang dulo, ito din ay mahalaga din sa kurso na tinatahak ko. Ang pakikinig ay nag bibigay kahulugan sa iyong naririnig at ang pakikinig ay isang susi para sa mabisang komunikasyon. Ito’y dapat itatak sa ating isipan na kinakailangan ang pakikinig dahil ito ay nagbibigay kahalagan sa iyong pag-aaral. Minsan kahit na nakuha na ang impormasyon na binahagi ng tagapagsalita gusto nating ulitin para mabigayan tayo ng malinaw na pagintindi. Sa kurso na napili ko sa papaano ko nga ba magagamit ito sa isang work situation. Ang unang sitwasyon na mabisang maigagamit ito ay sa workplace communication, kinakilangan na lahat ng trabahador na makinig para makuha ang mga mahahalagang impormasyon. Dahil ito ay isang gabay para sa iyong trinatrabaho at mayron pagkakataon na may tanong na makakatulong sa inyong diskusyon para mabigyan linaw o feedback. Ang sumunod na sitwasyon naman ay sa kliyente, kinakailagan natin unawain ang sitwasyon ng iyong kliyente. Dahil nagbibigay siya ng impormasyon na kung saan dumudulot ng problema sa kaniyang produkto at para maunawan kung papaano mo isusulusyonan ang problema ng produkto. Sa lahat ng nakasaad dito, ang pakikinig ay talagang mahalaga para sa buhay natin at para sa kurso na nampili ko. Sa totoo naman ay napaka importante kahit na hindi na sabihin pero dapat itatak natin sa isip natin na alam mo na importante ito kailangan ipabuti ang pakikinig. “Listening is a great way of receiving gifts of wisdom, intelligence, and inspiration” 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON