Sinulat ni: Jhon Kenneth M. MAPALO

Isang napaka halagang pag aaral ang wikang Filipino sa kursong tinahak ko ngayon kasi mas mapapalawak nito ang aking pakikipag kapwa tao/pakikipag talakayan sa iyong ideya/opinyon sa mga bagay bagay lalo na't AB Philosophy (Pamimilosopiya) ang aking na piling kurso sa kolehiyo, at tayo ay tuturoan pa na mas magiging teknikal sa pag gamit ng ating sariling wika, at gamitin ito sa matalinong paraan halimbawa sa mga "spellings" atbp. Marapat lang din na bigyang atensyon talaga ang pag-aaral ng wikang Filipino. Dahil ang wikang ito ay ang pinaka naiintindihan ng lahat ng pilipino sa ating bansa at mas maipapaliwanag natin ang ating mga gustong iparating sa kapwa nating pilipino. Isang pang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino sa kursong aking tinatahak ay ang wika mismo dahil mas maipaparating ko sa aking kapwa ang gusto kung malaman nila tungkol sa aking kursong tinatahak dahil pag wikang ingles ang aking ginamit, kalimitang konti lang ang makaka intindi at yung iba naman ay hindi ma intindihan ang aking pinag sasabi at hindi na nila maintindihan ang aking punto, pero pag wikang Filipino ang aking ginamit, mas mag bibigay sila ng atensyon sa aking mga sinasabi at pinapaliwanag at masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin tungkol sa aking kurso. Lalo na kung kaming mga seminarista o ako ay matuloy sa pag papari at kung ito ang aking bokasyon ay napaka laking tulong ng wikang ito para mas mapalapit ako sa aking kapwa at makapagbigay ng magandang homiliya

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON