Aking Mungkahi

Lagda: Haley French A. Mansalapuz

Aking Mungkahi

 

Paano ba kaya ang buhay

Kung wala kang kaalam-alam

Upang mapahiwatig ang iyong mithiin

Ngunit kung wala ka nito’y wala kang saysay

Parang ika’y sinasamsam

Puno nang pighati at suliranin

 

Tayo’y may angking kalayaan

Ang abilidad upang palawigin at palawakan

Munting ideya, opinyon, runong

At pati na rin ang mungkahing sinusulong

 

Kung ating tutus-tuusin

Obligasyon nating ihayag ang ating diwa

Mapa-kapwa man o sa ating mga gawain

Umaapaw man ang pasensya at nakakasawa

Nariyan din ang balakid na bigay-awa

Ika’y matitisod sa bawat hudyat

Kinakaya pa rin nang pilit sapagkat

Ang ihayag ang munting mungkahi

Sa kahit ano mang landas

Yaong pangarap, ang ambisyon

Obsesyong laging binabagtas

Nananatili, kahit anumang okasyon

 

Mararapat din naman na hindi puro sarili

Pagkakataon rin ng ibang nawiwili

Datapwa’t sila’y may sarili ring mungkahi

Na nagdadala ng diwa’t dunong

Pati karanasang siksik sa ligaya

Sadyang sila rin ay marunong

Ngunit ‘di maiwas mamali’t mahiya

Huwag magatubili, maging tapat

Iwaksi ang kapwa

At ikaw ri’y pagkakatiwalaang tapat.

 

Ang kaalaman ay parang isang perlas

Munting yaman na may halagang walang katumbas

Nakahihigit pa sa salaping tunay at lehitimo

Kahit mag-aaral man, mapa-Juan o Juana

Matuto rin magbasa para sa buhay na sagana

Hindi ito ikinatatamad o dapat palampasin

Bawat yugto ng kasaysayan siyasatin

O mamangha sa mga kuwentong puno ng sapalaran

Ang benepisyo ng pagbasa sadyang ganyan

‘Di rin sa iba, ngunit para rin sa buhay mo.




Ayan ang aking mungkahi

Konseptong tigtatlo, kailangang idikdik

Sa dunong ng lahat, at sa sambayanang mahal

Upang makamit ang buhay na marangal

At sa Diyos na puno ng awa’t pagmamahal.


Mga Komento

  1. kapag nabibigyan pala ng pagkakataon ay lumalabas ang talento mo sa mga ganitong bagay na gawain. Magandang ipagpatuloy ang talentong ito kung may pagkakataon. Maaari din itong maging libangan lalo kung ikaw ay may pinagdaraanan sa buhay o kahit simplen pagpapahayag lang ng sarili.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON