Sinulat ni: Janseth Ivan Luardo CAIREL
Sa akin pakikinig ako ay na hasa na manatiling positibo sa mundong kahangahanga. Dahil sa pakikinig kagustuhay na nanaig, na siyang bumubulong ng mabuting pahiwatig. Dahil sa pakikinig tayo ay natututo, at sa ating pagka- tuto tayo ay nakakabuo ng idolohiya ng tama sa mali. Bilang isang tungkulin natin sa mundo, dapat matuto tayong makinig sa mga bagay na maka bubuti sa atin. Dahil ang pakikinig ay parang espada na may dalawang patalim, maaari kang matuto ng kabutihan oh kasamaan. Bilang isang seminarista sa sambayanang pilipino ang pakikinig para sa bukasyong napili namin ang isang bagay na hindi dapat binabalewala. Dahil sa pakikinig katulad ng mga homiliya ni "father" tuwing misa nabibigyan kami ng inspirasyon para mag patuloy sa bukasyong napili namin at magampanan ang mga tungkulin namin sa sasangkatauhan
Sa Internal na pakikinig maikokonekta ko ang aking kursong na pili dahil ang pilosopiya ay isang kurso na dapat malalim ang iyong pag- intindi sa mga tinuturo ng iyong guro. Para ma abot din namin aming hangarin dapat nag papaturo kami sa mga mas nauna sa amin ang matutong makinig ng buong isip at damdamin. Ang pilosopiya ay hindi lamang dapat sinasarili kung di binabahagi at dahil sa iyong internal na pakikinig pwede mo itong ibahagi sa iba ng maayos at na aayon sa katutohanan lamng at hindi "heresy" na nabuo lamang sa sariling mong kagustohan. Ang maganda sa pakikinig ay na tututo tayong makiramdam sa mga taong may nais ibahagi sa atin. Kung gusto mo ng kwentong kahangahanga makinig ka sa matatanda, kung gusto mong umasenso makinig ka sa mga taong nagninigosyo, kung gusto mong matuto makinig ka sa iyong guro, kung gusto mong maging masaya, makitawa ka sa iyong tropa, kung gusto mo ng pagbabago makinig ka sa hindi manloloko, kung gusto mong mapalapit sa Dyos makinig ka sa makadyos, at pag gusto mo na pag-ibig ang mananaig dapat matuto kang makinig.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento