Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Sinulat ni: HARLEY JAY M. PINEDA Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilangmungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang angkonsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING na tinalakay sa mga sumusunod na talata. 1. Setting. (saan nag-uusap) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapatisaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna nglansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malakingimpluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walangpinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan m
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento