Katalusan
Sinulat ni: Jonel Laude SITCHON JR.
Katalusan
Ang pagbasa ay ang magsulat
Ang pagsulat ay upang maunawaan
Sa pag-aaral nito ay maunawaan
Na itong isinusulat ay may kayamanan
Ang pakikinig ay pagbibigay pansin
Pagbigay pansin sa mga tunog
Upang maintindihan ang mensahe na di
halata sa unang tingin
Mensahe na galing sa tunog
Tunog, tunog, tunog
Anong mensahe ito?
Tunog, tunog, tunog
Ano ang ibig sabihin nito?
Komunikasyon to ayon sa aking
kaalaman
Ang mensahe na may laman
Laman na ikaw at ang iba lamang ang
nakakaalam
At ang mensahe na ito ay aking
dinaramdam
Ang dinaramdam ay ang paalam
Paalam na nakaguhit sa liham
Basahin ang liham upang maunawaan
Masaya ba ang ating pakikipagpalitan
Pakikipagpalitan at pagbabasa ng mga
liham
Pag Unawa ng ating mga nararamdam
Pag uusap ng mga bagay bagay
Ito ang komunikasyon ng buhay
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento