MABISANG PAKIKINIG

Sinulat ni: Nikita Ynigo A. Marasigan

Ang Mabisang pakikinig para sa akin na nasa kursong Automotive ay makakatulong sa akin para malaman ang mga suliranin ng bawat tao at kanilang hinaing tungkol sa mga sasakyan. Mas madaling gumawa ng iba’t ibang desisyon sa mga bagay bagay kung ikaw ay nasa mabisang pakikinig. Makakayanan din bigyan ng maayos na paraan ang mga problema kung mas malalim ang pag aanalisa sa mga bagay bagay kung malalim ang pakikinig. Kapag maayos ang pakikinig mo sa mga problema ng iyong pinapaayos na sasakyan, at sa hinaing ng mga nagpapaayos sa iyo, mas magiging matagumpay ang pagkukumpuni mo sa ipinapaayos sa iyo, at mas kagigiliwan ka ng taong umaasa sa iyo.

Sa mga tagapakinig mahalagang matukoy ang dahilan kung bakit kailangan ang mabisang pakikinig. Mas mapapalakas ang kaalaman para maging handa ang sarili sa lahat ng bagay. Maayos ang magiging konsentrasyon mo sa mga bagay bagay kung ikaw ay laging handing making. Malaking tulong maging sa pagpapaanyaya ng mga tagapakinig ang aktibong pakikisangkot sa tagapagsalita. Katulad ng pagbibigay ng simpleng tango o pagpapakita ng pagsang ayon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

INTERNASYOLISASYON AT GLOBALISASYON

KOMUNIKASYON