Ang kahalagahan ng Pakikinig
Sulat ni: Haley French A. Mansalapuz (1st Yr. BSIT)
Talagang sadya ang kahalagahan ng pakikinig sa buhay, mas lalo na rin sa kurso kong tinatahak. Ito ay kinakailangan ng matindi at taos pusong pagpupursige, dahil isa itong kasanayan na hindi mo maaaring matutunan sa isang kislap. May kaukulang pangangailangan din ang pakikinig tuwing pinag-aaralan ang mga konsepto ng kurso dahil may sadyang kompleksidad ito mas lalo na sa mga bago-baguhan. Kaya, upang lubusang maunawaan kaagad agad at nang maayos ang mga pinag-aaralan, mas mahalaga rin ang makinig sa mga kuro-kuro at talakayan mapa-asynchronous man o synchronous ang metolohiya ng pag-aaral.
Maliban rito, mas mahalaga rin ang pag-sasanay sa sarili sa pakikinig sa karera mo at may trabaho ka nang may kinalaman sa kurso mo. Ang puno’t dulo nito ay may maganda: maari kang may matutunan sa mga kamalian mo sa pamamagitan ng pagpupuna ng mga tao sa naimalas mong kakayahan sa trabaho (aktibong pakikinig). Mahalaga rin ito base sa siping “Ang mga marunong makinig ay marunong ding mag-gabay sa iba”. (“Good listeners make good leaders”) Ang mga pinunong magagaling ay kadalasang nag-umpisa bilang mga masinop na tagakinig sa mga pagpupuna at opinyon ng iba, at nahuhubog din ang talino nang sadya sa pamamagitan nito.
“Ang mga marunong makinig ay marunong ding mag-gabay sa iba” |
Kung tutuusin, ang kursong IT ay may oryentasyon sa indibidwal kung pag-uusapan ay ang paraan kung paano mapupunan ng mga solusyon ang isang problema sa pamamagitan ng paggawa ng mga program atbp. Bawat isa ay may angking talino at estilo din na maari nilang gamitin sa mga sitwasyong ito. Pero hindi pa rin rito nawawala ang pakikinig - napakahalaga nito kung may mga kliyente sa iyong trabaho, na siyang nangangailangan din ng program at software para sa kanilang kumpanya o organisasyon. Ang pakikinig din ay mahalaga sa ka-trabahador dahil maari ka ring may mapulot ng aral mula sa kanila, o puwede ring baliktad: ikaw mismo ang magbibigay ng puna sa kanilang mga gawa.
Base sa mga nakasaad dito, talagang mahalaga rin ang pakikinig sa buhay, pati na rin sa kursong ito. Ganoon din naman ang katotohanan kahit sa iba ring mga kurso o trabaho. Dahil rito, isa ang pakikinig sa isa mga napakaimportanteng bagay na ‘di dapat nating kalimutan sa buhay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento