Joery Magtulis
Paanong aking madarama
ang tunog at musika?
paanong aking masusulosyunan mga hinaing at problema?
paanong maunawaan ang bawat letra?
mga anunsyo at mga babala?
itoy sa pamamagitan ng pakikinig,
kung saan umuusbong ang pag ibig,
at nagkakaroon ng halaga ang bawat pagbuka ng bibig.
Pakikinig ang simula ng komunikasyon
kahit noong unang panahon
sa tunog sila umaayon
bago gumawa ng aksyon.
ito ang nagbibigay halaga
sa pagbasa pagsulat at pagsasalita
kung walang pakikinig sa tao
walang komunikasyong mabubuo.
dapat lamang na pahalagahan
ang pakikinig sa lahat ng larangan
dahil kung wala ito
walang silbi ang ibang aspeto.
kung ilalapat sa aming kurso
ang pakikinig ng taos puso
aming mauunawaan ng mainam
sa paligid naming nandiyan.
kursong pilosopo ang aming tinahak
kung saan pagbasa at pakikinig ay talamak
wala kang makukuhang impormasyon
kung itoy di mo bibigyan ng atensyon
at di makakabuo ng komunikasyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento