Wikang Filipino sa Kontemporaryong Panahon at sa Mundong pinag-ugnay ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon
Ian Carlo N. Dumayas Wika ang nagbubuklod at nag-uugnay sa atin bilang isang nasyon. Ito rin ang nagbibigay ng pagkakilanlan sa isang partikular na bansa at ng mga mamamayan nito. Maging ang ating sibilisasyon ay binibigyang buhay rin ng wika. Kung ating pagtutuunan ng pansin ang wikang Filipino sa kasalukuyang panahon, hindi maitatanggi na marami sa mga Pilipino ang isinasantabi na lamang ang kahalagahan nito bagaman itinuring na pambansang wika. Marahil ay naging dahilan ang pag-usbong ng idustriyalisasyon, pagbukas ng pandaigdigang kalakalan at patuloy na pagbunsod ng modernong mundo na inudyukan ng makabagong teknolohiya. Ngunit paano nga ba mapapaunlad ang wikang Filipino na siyang wikang kasarinlan natin kung pumapangalawa na lamang ito sa ating bansa sapagkat Ingles ang ating inaaral bilang pangunahing wika? Karamihan sa mga kabataan ngayon ay mas bihasa sa paggamit ng Ingles kaysa sa wikang Filipino lalo na at Ingles ang pangunahing lenggwahe na ginagamit sa mga paarala